CHAPTER 22 Possible Law made sure Theo will rot in jail after his appearance again. Talagang hindi na namin hinayaang makatakas pa ang ex ko. It was such a big relief for me. Parang natanggalan ako ng tinik sa puso at napanatag na rin. Indeed, time flies so fast when you're with a special someone. Law’s 20th birthday passed by. C-in-elebrate namin iyon nang magkasama. Kahit papaano, gumaan ang loob ko na nadagdagan ang edad niya. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang regalo. Sabi niya lang, gusto niya na akong ipakilala sa lola niya. Sa una, nagdadalawang isip ako. Baka kasi hindi kami matanggap dahil sa edad namin. But here we are. We drove from Sacramento to Hillsborough just to meet his grandmother from her mother's side. “Are you tense?” tanong sa akin ni Law nang t

