CHAPTER 28 Better idea I’m not at all ready for this. I'm not sure how to handle this. My heart felt like it actually shattered. It split in half, bled into my chest, filled my lungs with blood, and rendered me unable to breathe. Tuluyan na ngang bumuhos ang pinipigilan kong mga luha. Ang kaninang saya sa puso ko, naglaho na rin na parang isang bula. “Any time soon, aalis na rin ako rito sa California,” balita ko pa kay Law. I know my brother. Kapag may sinabi iyon, ginagawa niya talaga. Paniguradong pareho lang ang mangyayari sa amin ni Law kung hindi ko ginawa ito; magkakahiwalay at magkakahiwalay pa rin kami. Baka biglaan na lang. Kaya mas ayos na ito’t maisara na namin ang lahat ng mayroon kami para mawalan na ng puwang ang pag-asa. “And you didn’t tell me?” Law sounded up

