Everything's fine HINDI magkamayaw ang kaba sa aking dibdib, lalo na sa tuwing nakikita ko ang dugo sa sahig na tinatapakan ko. Matagal ko nang pangarap na magka-anak, pero bakit ganito ang nangyayari? Napangiwi ako at napahiyaw sa hapdi. Mabilis naman nila akong inalalayan sa pagtayo. No, please! God! Please, not my baby. “T-tatawagan ko si Zadkiel,” Masien announced in panic as she hurriedly dialed Zadkiel's number on her phone. Nagtaka pa ako kung bakit mayroon siyang numero ni Zadkiel ngunit dahil sa pamimilipit ay hindi na ako nakapagtanong. “N-no. Don't tell him. M-magagalit siya sa a-akin,” I stammered as I shook my head. Ayaw kong sumigaw dahil baka bigla na lamang tuluyang umagos ang lahat ng dugo ng aking anak sa sahig. “Pare, kailangan niyang malaman. Siya ang ama niyan,

