Unsecured PAGKATAPOS niyang ihatid ang aking mga gamit sa mansion ay kaagad na siyang nagpaalam na umalis patungong Liazarde upang kausapin naman si Kuya bago siya magtungo papunta ng Saudi Arabia. Tumawag pa siya sa akin bago siya sumakay ng eroplano, nagpapaalam at sinisuguro sa akin na babalikan niya ako. I believed his statements and every single day that we were apart, he was always proving it to me. Hindi ko namalayan na isang linggo na pala ang lumipas dahil hindi ko naman naramdaman na nawala siya sa aking tabi. Oras-oras siyang tumatawag sa akin para magbigay ng update at para kumustahin ang kalagayan namin ni baby. Simula pagkagising ko pa lang sa umaga hanggang sa pagtulog ko ay kausap ko siya sa video call. Nag-aalala na nga ako dahil magkaiba ang oras sa Pilipinas at sa S

