Truth or Lie “HINDI mo pa rin ba ako papansinin?” tanong niya nang salubungin niya ako ng isang malapad na ngiti. Sinimangutan ko naman siya para iparating na hindi ako tulad noon na isang ngiti niya lang ay lumalambot na. I was currently sitting in front of a glass table on the balcony when he suddenly took a sit beside me. Matapos kong magkulong sa aking kwarto kanina ay ngayon ko lang ulit naisipan na lumabas. Naiinis pa rin kasi ako kaniya. Paano niya naatim na kalimutan iyon o baka naman nagpapanggap lang siya na hindi niya alam ang tungkol doon sa pag-amin niya. Para sa akin ba ang I love you na iyon o para kay Thalia? Ang gulo-gulo niya kaya tama lang na hindi ko siya pansinin. “Do you need a laptop? You can use mine or I'll buy you one, what do you think?” sunod-sunod niyang ta

