Apo DAYS had passed by and I still couldn't believe that he's in love with me. I couldn't digest everything I discovered, but he's always here to prove his love, erasing doubts in my chest. Araw-araw siyang pabalik-balik ng Laquiero at Liazarde galing sa kaniyang trabaho. Nakokonsenya na nga ako dahil ako ang may kagagawan kung bakit nahihirapan at napapagod siya. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ako nakaririnig ng kahit na anong reklamo mula sa kaniya at tuwing darating siya sa gabi ay hindi pa rin nababawasan ang pagiging malambing niya na umaabot hanggang sa kama. Sa tuwing day-off niya katulad ngayon ay talagang nagpapasalamat ako dahil alam kong mababawi niya ang pagod niya at makakapagpahinga siya ng kahit na kaunti. “Dinalaw mo na ba ang mommy mo? Wala kang naikukwento sa akin,

