All of a sudden “WHAT do you mean? Are you sure? Payag ka nang maging surrogate mother?” sunod-sunod na tanong ng kausap ko sa kabilang linya kaya napabuntong hininga na lamang ako habang minamasahe ang aking sentido. Umuwi ng Micora matapos kong makausap ang pamilya ko. Kaagad kong hinanap ang business card ni Mr. Santos at nang makita ko iyon sa ilalim ng mesa ay mabilis ko itong kinuha. Inayos ko ang pagkakalukot ng papel hanggang sa kuhanin ko ang aking cellphone kaya heto kami ngayon, magkausap sa kabilang linya. He seemed to be very happy about my sudden change of decision. Bakas sa masigla niyang boses ang excitement kaya naman nilukob ng pag-aalala ang aking dibdib. Kung may mapagpipilian lamang akong iba o di kaya'y kaya lang na ipagamot ng naipon kong pera si mommy ay hindi

