Take me NAPASINGHAP ako nang hangin at napatakip ng bibig. I can’t believe him. Mabilis akong nagtungo at nagkulong ng kwarto. Kahit nang lumabas na siya sa comfort room at tinatawag ako ay hindi na ako lumabas pa. “Damn it! I'm going crazy,” I muttered as I pulled my hair. Dumapa ako sa aking kama at tinakpan ng unan ang aking mukha na kanina pa namumula. I shouldn’t have heard that. Washing the thoughts away, I chose to close my eyes. Marami akong pinagkaabalahan kanina kaya matutulog na lamang ako. “That was just a man's thing,” paalala ko sa aking sarili nang ma-realize kong hindi ako dalawin ng antok. Bumangon ako sa pagkakahiga at marahang binuksan ang aking pinto upang tingnan siya. Nadatnan ko siyang natutulog sa couch habang ang kaniyang kanang braso ay nakatakip sa kaniy

