Missing in action ako kahapon kaya ngayon ko palang kayo mababati ng HAPPY VALENTINE'S DAY! Sana'y masaya ang mga puso ninyo kahapon at sa susunod pang mga araw. Enjoy po kayo sa magbabasa. Lovelots. Chapter 11 “M-MALALAMAN na n’ya.” Pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin ni Salome. We’re having our breakfast at this moment. Simula nang lumipat kami ni Salome dito sa bagong bahay na regalo sa kaniya ni Mr. Tang, ito yata ang pinakamasaganang almusal na naihanda niya para sa aming dalawa. Halos makalahati yata niya ang menu board sa kainan na madalas kong order-an ng Silog meals sa may labasan sa aming lugar. May tocino sa aming lamesa. May porkchop, may pritong manok na bite size at ang kalahati ay may sarsang hot buffalo sauce. Mayroon ding beef tapa, danggit, skinless longgan

