Na gising ako dahil sa kilos na nangyayari sa gilid ko kaya naman minulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Nevan na naka yakap sa akin at naka baon ang mukha niya sa leeg ko. Tinignan ko ang oras at nakita ko na sobrang aga palang din naman kaya humiga muna ako roon nang ilang minuto at tumulala nalang muna bago napag desisyunan na bumangon na kaya naman dahan dahan akong kumilos para hindi ma gising si Nevan. Pero hindi pa ako nakaka alis ng kama ay hinila na niya ang kamay ko kaya napa balik ako sa kama. “Where are you going?” tanong niya sa akin habang naka pikit pa rin ito. “I am going to cook,” sagot ko sakanya. Nag mulat naman ito sa akin at tinignan ako nito. “It’s too early baby,” sagot niya sa akin habang nag kukusot ng mata. “Sleep more, mag luluto muna ako, kailangan n

