02 Sa iisang bubong

927 Words
***Oivia's POV*** Isang araw, ako ang spoiled na anak ni James Perez. Kinabukasan, nakikinig na ako sa isang abogadong nagbabasa ng huling testamento ni Papa. Nakatitig ako sa kisame, iniisip kung tumalon kaya ako sa balkonahe para lang makatakas sa impyernong ito, nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Ninong Chandler: Dinner is ready. Come down. Sinundan agad ng... Ninong Chandler: Now. Napairap ako nang husto na halos sumakit na ang mga mata ko. Siyempre, alam niya ang number ko. At kung mag-utos siya sa text, parang empleyado lang ako na anytime ay pwede niyang sesantihin. Binalewala ko muna iyon nang sampung minuto—para lang mang-asar—bago ako nagkukumahog na bumangon sa takot na baka siya mismo ang umakyat dito para kaladkarin ako. Pagdating ko sa kusina, napatigil ako. Amoy na amoy ko ang masarap na amoy ng ulam na niluluto. Nakatayo si Ninong Chandler sa kitchen counter, nakatalikod sa akin. Tinanggal na naman niya ang kaniyang tux, bukas ang isang butones ng polo niya, at ang sleeves ay nakatupi hanggang siko, kaya lantad na lantad ang mga braso niyang lihim kong tinititigan. Nag-aayos siya ng dalawang steak sa plato nang may presisyong, parang chef siyang kumilos. "Nag-luto ka?" tanong ko, mas naging mahina ang boses. "Akala mo ba pagugutuman kita dito?" sagot niya nang hindi lumingon, ang malalim niyang boses ay tila yumayanig sa paligid. Humarap siya bitbit ang dalawang plato at sinenyasan ako na maupo sa stool sa island counter. Umupo ako, pinagmamasdan ang bawat kilos niya. "Where's everyone?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa bahay na nakakabingi ang katahimikan. "Ang chef? Nasaan 'yung mga maid kanina?" "Walang chef at maids, ang mga housekeeper ay pupunta lang dito minsan sa isang linggo para maglinis," sabi niya habang umuupo sa tapat ko. "Ayaw ko ng mga taong pakalat-kalat sa bahay ko." "So tayong dalawa lang talaga dito?" hindi makapaniwala kong tanong, hinawakan ang tinidor pero hindi pa kumakain. "Paano kung gusto ko ng midnight snack eh hindi ako marunong magluto?" "Then you learn how to cook... o magsabi ka sa'kin," sagot niya. "Pero kwento ng Papa mo, mahilig ka raw umorder ng take out so I guess it won't be a problem." Napakunot ang noo ko. Hindi ko gusto na tina-topic ako ni Papa sa kanya. Hindi na ako dapat magulat, best friend siya ni Papa. Pero sobrang tagal niyang nawala sa buhay namin kaya mahirap isipin na sa kaniya ako pinaubaya ni Papa. "Kumain ka na, Olivia," utos niya, bumaba ang tono ng boses niya. "At huwag mong sagarin ang pasensya ko ngayong gabi. I’ve had a long day dealing with all this mess, and the last thing I need is a brat throwing a tantrum in my home." "Hindi ko lang alam kung bakit pinagkatiwala ni Papa lahat sa'yo," mapait kong saad. "Eh wala ka man lang dito noong naghihirap sya sa sakit niya." "Your father trusted me because he knew I wouldn't be swayed by your tears. He saw what you couldn't, that you were handing your future to a boy—" "Hindi mo sya kilala!" putol ko bago pa siya makatapos. Nanaig na ang galit ko kaysa sa kaba sa dibdib ko. "Tatlong taon na kami ni Drake. Sya ang mundo ko, alam ni Papa kung gaano sya kahalaga sa'kin!" "Alam niya," pagtatama ni Ninong Chandler, sa wakas ay nag-angat ng tingin. "At iyon mismo ang dahilan kung bakit binilin ka niya sa'kin. He didn't dislike the boy, Olivia. He pitied the fact that his daughter couldn't see a parasite for what it was." "He's not a parasite!" "Makikipaghiwalay ka sa kanya." Ang sarap niyang saksakin ng tinidor na hawak ko. "You're unbelievable," bulong ko, lalong humigpit ang hawak ko sa tinidor. "Akala mo ba pwede ka na lang pumasok sa buhay ko at magpanggap na bago kong Daddy?" Nagtagis ang panga niya dahil sa pinili kong salita. Biglang bumigat ang hangin sa kusina, tila lumamig ang paligid nang magtama ang mga mata namin. "Careful, Olivia," bulong niya sa tonong nagpataas ng balahibo ko sa init. "Words like that carry a weight you aren't ready to handle. If you want me to act the part as your new Daddy, I can start right now." Uminit ang pisnge ko sa hiya. Hindi ko dapat sinabi 'yun. The word 'Daddy' felt too... inappropriate, punong-puno ng tensyon na hindi ko mapangalanan. Pero hindi ko ipapakita sa kanya na apektado ako. Alam kong hindi naman 'yun ang ibig niyang sabihin. Hindi ako sumagot at pinilit ko na lang tumingin sa baba. Isinubo ko ang steak para lang hindi na makapagsalita ng kung ano pang katangahan. Masarap yung luto niya, kaya lalo akong nainis. Kumain ako sa gitna ng nakakailang na katahimikan. Wala na siyang sinabi, pinanood lang niya akong tapusin ang kinakain hanggang sa maubos ko ang huling piraso sa plato. "Tapos ka na?" tanong niya. "Oo. Matutulog na 'ko." "Good night, little one." Napatigil ako sa pamilyar na petname niya sa akin noong bata pa ako—at ang biglaang pagkasuklam na naramdaman ko rito. Sa isip na bata pa rin ang tingin niya sa akin ay nagpakulo ng dugo ko. Tumayo ak, at nagmartsa palabas ng kusina nang hindi lumilingon. Parang jelly ang mga binti ko hanggang sa makarating ako sa kwarto. Bumagsak ako sa kama, nakatitig sa kisame. Napaka-gago niya! Mayabang! Nakakairita! Isang thirty-eight years old na dinosaur na akala mo ay pag-aari niya ako. Kinuha ko ang phone ko, mabilis na nag-type ng message para kay Drake. Me: I miss you, baby. I'm coming to see you tommorow morning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD