NONCONSUMMATION of marriage. Nakatitig si Mike sa kisame. Hindi na applicable sa kanila ang ground na iyon. Hahanap na lang siguro sila ng ibang ground na puwedeng gamitin para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. An unfamiliar pain sliced through him. Parang hindi niya gustong tanggapin sa isip niya ang ideyang paghihiwalay. Bumiling siya para humarap sa natutulog na asawa. She was so serene in her sleep. She looked satisfied and contented. Niyakap niya ito at isinubsob ang ulo sa makinis nitong leeg. He closed his eyes. And he found out it was incredible to easily find sleep beside her. NAGISING si Yssa sa pamamanhid ng binti. Tila may nakadagan doon. At bago pa niya imulat ang mga mata ay natiyak na niyang may nakadagan nga. Nakadantay sa kanya si Mike. She froze. Lahat ng nang

