"Tol yosi?" alok ni France, break time namin kaya lumabas kami para mawala ang stress dahil sa work, sumabay pa ang mga evaluations para sa mga ipapadala sa abroad. Kaya aligaga ang lahat, samantalang ako ito lutang, walang paki alam sa mundo. Wala ako sa aking sarili nitong mga nakalipas na araw, madalas ding naka-hang ang linya ko o hindi kaya tulog sa harapan ng PC. Wala akong paki alam kung sermonan ako ng team leader namin o bumaba ang performance ko. Basta ang gusto ko lang ay matulog. "Sige lang," pagtanggi ko. "Ay oo nga pala, nag-quit ka na nga pala." Sabay sindi nito sa kanyang sigarilyo. "So ano na pala ang nangyari sa paglabas n'yong tatlo? Magkwento ka naman," usisa ni France. "Masaya naman, lalo na si Ken," maiksi kong sagot. "Masaya? Talaga ba? E, bakit parang pinagsakl

