Hindi ko alam kung papaano ko mapapagaan ang loob ni Ken sa oras na 'to. Wala akong maisit na tamang salita o maipapayo man lang sa kanya dahil hindi ko alam kung gaano kasakit ang pinagdadaan n'ya. Naiintindihan ko ang sakit at lungkot na daladala n'ya, pero sa tulad kong buo ang pamilya, kahit kaylan ay 'di ko mararamdan ang lungkot ng pangungulilang bitbit n'ya mula pagkapanganak. Sa mura n'yang edad, s'ya pa ang parang magulang kaysa kay Nick. Kung alam lang na g*g*ng 'yon ang dinadanas ni Ken na paghihirap sa tuwing babalewalain n'ya ito. Kung alam lang n'ya ang pinagdadaanan ni Ken sa bawat araw na nangungulila s'ya sa ama. Para sana kahit papano ay makonsensya ito sa lahat ng pasakit na pinaparanas n'ya sa mag-ina. Matapos n'yang sabihin ang lahat ng hinanakit n'ya kay Nick ay tum

