Chapter 2

2053 Words
BIYERNES ng gabi at night café sa Divisoria. Kakauwi lang galing ng eskwelahan si Jude. Kahit walang gana ay may bibilhin na lang siya. Bibili siya ng mga iilang mga kwaderno para sulatan niya ng iba’t ibang mga gusto at pwede niyang maisulat. Bumili siya ng apat na piraso ng kwaderno. Yung dalawa ay study notebook niya at ang dalawa naman ay susulatan niya ng nobela at mga tula. Matagal na rin niyang hindi nagagamit ang talento niya sa pagsusulat. Si Andrew ang kanyang number one fan sa talent niyang ‘yun. Hinahangaan siya palagi ni Andrew noon sa mga iilang nobela, tula, sanaysay, at dialogue script na nagagawa niya. Ang hindi alam ni Andrew ay siya ang dahilan kung bakit inspired palagi sa pagsusulat si Jude. Ngayong wala na ito ay matagal na rin bago maisipan ni Jude na muling sumulat ng mga nobela. Umuwi na rin siya pagkatapos niyang mamili. NANG makauwi si Jude ay naupo siya sa kanyang sofa at nag-iisip. Kaagad naman sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Stephen. Kung tutuusin ay gwapo din si Stephen katulad ni Andrew. Pero nasusuklam siya sa lalake dahil para bang pinagtitripan siya palagi nito. Hindi porke’t homosexual siya ay pagtitripan na siya kaagad ng kung sinu-sinong hindi niya kakilala. Kaya nga mas pinili niyang maging pormal sa lahat ng bagay kahit na bakla siya upang sa ganun ay mabawasan ang panlalait at diskriminasyon na kadalasang nakikita niya sa mga baklang nagsusuot ng mga pambabaeng damit. Isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Andrew bilang kaibigan ay dahil sa totoo siya sa kanyang sarili. Kung ihahambing ni Jude sina Andrew at Stephen ay magkaibang-magkaiba sila sa kanilang pag-uugali. Si Andrew ay natural na mabait, maunawain, at higit sa lahat may mabuting puso samantalang si Stephen ay ganap na mapusok at sa tingin niya ay may masamang pag-uugali. Parang walang pakialam sa damdamin ng tao si Stephen King Roa. “Ano kaya ang binabalak ng Stephen na ‘yun? Bakit kaya kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya?”, minsan ay naitanong ni Jude sa kanyang sarili. Nararamdaman niya ang masamang pag-uugali ni Stephen. Pero hindi na niya masyadong iniisip pa ang kaklase niyang ‘yun. Baka naman merong dahilan. Ayaw na niyang isipin pa si Stephen. NANG matapos ang kanilang klase sa hapon kinabukasan ay nagulat si Jude sa biglang paglapit ni Stephen sa kanya. “Anong kailangan mo sa akin?”, naitanong bigla ni Jude. “Wala lang. Bakit masama bang lapitan kita?”, may panunuya sa sinabi ni Stephen. “Wala akong panahong makipag-usap sa’yo”, deretsong sinabi ni Jude saka akmang aalis ngunit napigilan siya ni Stephen. “Oh c'mon Judelo Miranda. ‘Wag mong sabihing natatakot ka sa akin?”. “Tigilan mo na nga ako, Stephen Roa! Wala akong ginagawa sa’yong masama! At isa pa hindi ako natatakot sa’yo!”, medyo tinaasan na ni Jude ang kanyang boses, trying to control his temper. “Teka lang! Relax. Wala naman akong ginagawang masama sa’yo ah. I am just trying to be your friend kung gusto mo. Bihira lamang akong makipagkaibigan lalung-lalo na sa mga homosexuals like you. Well, Judelo, consider yourself as lucky dahil nakikipagkaibigan ako sa’yo ngayon.”, wika ni Stephen. Napabuntong-hininga si Jude nang makailang beses bago niya hinarap muli si Stephen. Kung nakikipagkaibigan ito sa kanya ay hindi dapat sa ganitong paraan. Duda siya sa estilo nito. “Kung nakikipagkaibigan ka naman lang sa akin ay hindi sa ganyang paraan Stephen! Parang wala kang alam sa tunay na kahulugan ng pakikipagkaibigan. Kung ang ibang tao ay maloloko mo sa iyong estilo, pwes ibahin mo ako, dahil hindi mo ako madadala sa kagaspangan mo! Style mo bulok!”, mariin na pagkakasabi ni Jude ngunit nasa pormal na tono. Pagkatapos masabi ‘yun ay pasibyang umalis si Jude at naiwan si Stephen na napahiya sa kanyang mga kaibigan at sa iilang taong nakarinig ng kanilang konbersasyon. Kulong-kulo ang dugo ni Stephen nang mga panahong ‘yun. Talagang ginagalit siya ni Judelo Miranda. “Walang hiyang bakla! Humanda ka sa akin sa susunod. Makikita mo ang hinahanap mo!”, galit na bulong ni Stephen sa sarili. Si Jude naman matapos takbuhan si Stephen ay nagbuntong-hininga. Tama lang ang ginawa niyang panginginsulto sa kagaspangan ng taong ‘yun. Hindi siya dapat na magpa-api lalo na’t prinsipyo pa naman niya ang hindi magpapa-api sa kahit sinuman. “Tama lang sa kanya ang ginawa ko.”, wika ni Jude. Bumuntong-hininga siya saka muling nagsalita. “Sana nandito ka ngayon, Andrew. Alam kong hindi mo ako hahayaang maapi ng kahit sino. Ipanalangin mo ako sa Diyos na sana walang mangyaring masama sa akin.”, wika niya at muling nagbuntong-hininga. Uuwi na muna siya ng bahay niya upang ma-refresh ang kanyang isip. PADABOG naman na umuwi ng bahay nila si Stephen at galit na galit. Nagulat naman ang kanilang katulong na si Aling Mercing sa pagdating ng alaga. “Oh Stephen, anong nangyari? Ba’t ang init ng ulo mo ngayon?”, nag-aalalang tanong ng butihing yaya. “’Wag niyo akong kausapin! Galit na galit ako ngayon! Letse! Bwiset! Punyeta!”, halos lahat ay ibinuga na ni Stephen sa kanyang galit. Padabog siyang umakyat sa itaas ng kanyang kwarto at nagkulong doon. Talagang hindi niya matanggap ang ginawang panginginsulto sa kanya ni Jude. “Talagang makikita mo ang hinahanap mo, Judelo Miranda! Talagang ginagalit mo ako! Humanda ka sa akin!”, galit na assurance ni Stephen sa sarili. Talagang gaganti siya sa ginawa ni Jude sa kanya. Wala pang taong nakainsulto sa kanya at hinding-hindi siya makakapayag na isang bading na si Jude Miranda ang makakagawa sa kanya ng panginginsultong ‘yun. Talagang galit na galit siya kay Jude. Ngayon ay talagang manganganib ang buhay ni Jude. Maya- maya pa’y kinuha ni Stephen ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang kanyang mga kaibigan. May binabalak silang hindi kaaya-aya. KINABUKASAN ay nagtungo na ng University si Jude. Papunta siya ngayon ng first subject niyang Chemistry. Natapos ang chem nila ng mga halos limang oras. Wala nang ibang ginagawa si Jude kapag natatapos ang kanilang klase kundi ang magtungo ng canteen upang kumain. Sa puntong ‘yun ay kabisado na ni Stephen ang mga kilos niya. May gagawin silang masama kay Jude ng mga kaibigan niya. Balak nilang buhusan ng dugo ng baboy si Jude kapag dumaan na ito sa daanan patungong canteen. Naglagay sila ng isang balde na puno ng dugo ng baboy sa itaas. Tinalian nila ito ng tali na kapag hinila nila ay deretsong bubuhos ang laman ng balde sa ibaba at si Jude ang punterya nilang mabubuhusan nito. “Parang paparating na siya, mga bro!”, halos pabulong na sabi ni Stephen. “Hayan na yata siya”, si Ken na nakitang paparating na si Jude. “Ready na guys”, ani Alex. Walang kamalay-malay si Jude sa mangyayari sa kanyang kahihiyan. Palakad-lakad lamang siya hanggang sa daanan patungong canteen. “Go!”, hiyaw ni Stephen. Pagkatapos ay deretso nilang hinila ang tali at bumuhos ang laman ng balde. Hindi na namalayan ni Jude at huli na para umiwas siya sa malansang dugo ng baboy. Gulat na gulat si Jude. Naliligo siya ngayon sa malansa at mabahong dugo ng baboy. Nagulat din naman ang nakakita sa insidente. Ang iba ay pinagtawanan lamang siya. Ang iba ay naawa at ang iba naman ay nagulat sa nangyari. Halos mala-demonyo naman kung tumawa sina Stephen, Alex, at Ken sa ginawa nila. Nakita ni Jude na si Stephen mismo ang gumawa sa kanya ‘non. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at nagtatatakbo sa kahihiyan. Marami ang nakakita sa kanya. Kawawang-kawawa si Jude nang mga oras na ‘yun. “’Yan ang bagay sa mga katulad mo!”, pagkasabi no’n ay muling tumawa si Stephen. NAGTUNGO ng banyo si Jude at doon niya binuhos ang kanyang sama ng loob. Punung-puno pa rin ng malansang dugo ng baboy ang kanyang buong katawan. Mabuti na lamang at may dala siyang dalawang piraso ng panyo. Pinunasan niya ang kanyang sarili hanggang sa matanggal ang mga dugo. Mantsang-mantsa naman ang kanyang uniporme. Wala man lang tumulong sa kanya sa halip ay pinagtawanan lamang siya ng mga taong nakakita sa kanya. Bumuhos pa rin ang sama ng loob niya. Bakit kaya ganun? Pinaparusahan ba siya ng Diyos? Bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang mga bagay na ‘yun. Nawala na ang lahat sa kanya; Si Andrew, ang pamilya niya, at ang lahat ng mga kaibigan niya. Halos silang lahat ay iniwan na siya. Wala siyang pwedeng makausap hingil sa kanyang mga dinaramdam dahil wala naman siyang kaibigan. Wala ring gustong makipagkaibigan sa kanya at wala ring gustong makinig sa kanya. Naaalala pa niya ang mga pangyayari sampung taon na ang nakakaraan nang maghiwalay ang mga magulang niya. “Hindi ko na matiis ang pambababae mo, Jonas! Maghiwalay na tayo! Hindi ko na talaga kaya!”, minsan ay nasabi ng mama niya. “Sige! Wala akong pakialam! Magsama kayo ng anak mo! Hindi ko rin naman kayo kailangan! Mga peste kayo sa buhay ko!”, naalala pa niyang sinabi ‘yun ng papa niya. Umiyak lang nang umiyak ang pitong taong gulang noon na si Jude. Simula nang maghiwalay ang mga magulang niya ay nanatili si Jude sa mama niya. Hanggang maglabing-dalawang taong siya ay nagpasya ang mama niya na magtrabaho sa London bilang isang nurse. Nang mga panahong ‘yun ay kaya na ni Jude ang maging independent sa sarili which is bihira lamang sa mga ganoong edad katulad ni Jude na maging ganoon. Hindi na kailanman nakita pa ni Jude ang ama niyang si Jonas Miranda. Nagising si Jude mula sa alaalang ‘yun. Nang handa na siya ay lumabas na siya ng banyo. Di bale nang mantsa ng dugo ang uniporme niya basta wala siyang pakialam. Uuwi siya ngayon din upang isaayos ang sarili. “Makikita mo rin ang araw mo, Stephen.”, bulong niya saka umalis. “SA tingin niyo guys, tama kaya ang ginawa ko kay Miranda?”, tanong ni Stephen sa kanyang dalawang kaibigan. Nasa canteen sila nang mga oras na ‘yun. “Aba’y malay ko sa’yo. Ikaw ang nagdesisyon na gawin ‘yun sa kanya.”, ani Ken. Hindi na nagkomento pa si Alex. Kung tutuusin ay nakakaawang tingnan kanina si Jude. Napahiya ito at kasalanan ni Stephen. Oo siguro ay nakaganti na siya sa inaakala niyang panginginsulto ni Jude sa kanya. Pero bakit naisip ni Stephen ang ginawa niyang ‘yun kay Jude kanina? Nakokonsensiya ba siya? Aba’y ewan niya. Nagdadalawang-isip siya kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Samantalang sina Melka, Geneva, at Janna, mga kaklase rin nina Jude at Stephen ay nasa canteen din nang mga panahong ‘yun. Sila ay maituturing na Social Girls dahil sa mga sosyal nilang anyo at kilos. “Girls, any handsome here?”, ani Melka. “Hey girls, si Stephen oh. He’s so cute!”, kagat-labing bigkas ni Janna. “Yeah, and handsome too. Tara lapitan natin.”, pag-aanyaya ni Geneva. Lumapit nga ang tatlong social girls kung saan nakaupo si Stephen. “Hey handsome boy!”, tila mapang-akit na tinig ni Janna. Lumingon si Stephen. Kung hindi siya nagkakamali ay mga kaklase niya ito. “Hey sexy girls! What’s up?”, ganting bati ni Stephen. Naghiyawan sa kilig ang tatlong dalaga. “You’re so cute talaga, Stephen King Roa. I like you”, ani Geneva. “Yeah, me too”, sabi naman ni Melka. Ngumiti lamang si Stephen na tila ginaganahan sa tatlong mapang-akit na babae. Lihim naman na nagtatawanan sina Alex at Ken. Umalis na ang tatlong babae. “Dude. Ang lakas talaga ng s*x appeal mo. Ikaw na talaga.”, bulyaw ni Ken sa kanya. “Naniniwala na kami sa angking kaguwapuhan mo”, patawang sabi ni Alex. “Ako pa. Kaya nga habulin ako ng mga chicks at feeling chicks”, tila proud pa na pagkakasabi ni Stephen. “Pero bakit kaya walang pakialam sa’yo si Judelo Miranda? Baka pangit ka sa paningin niya dude!”, natawa si Alex sa sinabi. Tumawa lamang si Stephen at hindi na lamang nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD