Tanghali na ng ako'y magising at wala na rin sa tabi ko ang aking mga kaibigan. Hindi muna ako bumangon dahil ramdam ko ang biglang pagkirot ng aking ulo.
"Pesti!" Mura ko ng lalo pang sumakit ito.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kuwarto at nakita ko ang papasok na si Jana.
"Good morning, friendship!" masiglang bati nito sa akin na parang walang hangover.
Lumapit ito sa akin na malapad ang pagkakangiti.
"Ano ang nangyari sa'yo? Bakit parang sinapian ka yata sa ngiti mong iyan?" nakakunot ang noo kong tanong dito dahil kumikirot pa rin ang ulo ko.
Umupo ito sa aking tabi habang ako ay nakahiga pa rin.
"Ikaw friendship ha, may inililihim ka sa amin. Hindi mo man lang sinabi na may jowa ka na pala," sabi nito sabay hagikhik.
"Ano ang pinagsasabi mong jowa? Kilala mo ako Jan. Kung mayro'n man siguradong ikaw ang una na makakaalam no'n."
"Eh, sino 'yong guwapong lalaki ang naghatid ng tsinelas mo? Sabi niya girlfriend ka raw niya."
"Girlfriend?" bulalas kong tanong sabay upo sa kama.
Tumango ito pero hindi pa rin maalis-alis ang pagkakangiti nito.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi at may parte ng mga pangyayari na hindi na malinaw sa isipan ko, kasama na riyan ang tsinelas ko dahil hindi ko talaga matandaan o maalala kung naiwan ko nga ba talaga ito?
At ang malinaw lang sa isip ko ay ang lalaking hiningian ko ng tulong habang ako'y hinahabol ng anak ng may-ari ng resort na ito na may sakit at sa kuwarto ako ng lalaking iyon napadpad.
"Sino 'yon friendship? Infairness, ang guwapo niya para siyang anghel na bumaba sa lupa," sabi pa nito na tila kinikilig.
"Wala 'yon saka hindi ko rin kilala 'yon."
"Hindi raw kilala pero nagpakilalang boyfriend niya raw ito at take note hinatid pa ang tsinelas niya." Panunukso pa nito.
"Hindi nga kasi."
"Ay pikon agad?" natatawang wika nito.
Alam ko rin na hindi ako titigilan nito hangga't hindi ko sinabi kung ano ang nangyari kagabi. Bukod kasi sa maretes itong si Jana, madalas imbestigador din ito at hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ako nagkukuwento sa kaniya.
"Sige na, friendship, sabihin mo na hindi ako aalis dito." Tumabi pa ito sa akin at humiga.
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga naalala ko lang sa mga nangyari kagabi.
" 'Di ba sabi mo naka-brief lang siya. Malaki ba 'yong ano niya?" humahagikhik nitong tanong.
"Hindi ko nakita."
"Maaari bang hindi mo nakita? 'Wag ako dahil alam kong iyon kaagad ang una mong tinitingnan. Naalala ko pa dati sabi mo kapag nakakakita ka ng mga naka-brief na boys ang una mong tinitingnan ay ang nasa gitna ng mga hita nila kung malaki ba ito o maliit. Tapos sabi mo pa natu-turn off ka kapag maliit ang kanila kasi hindi ka mag i-enjoy sa jugjugan katulad do'n sa ex mo na supot." Tumawa ito ng malakas pagkasabi niyang iyon.
"Jan, kahit kailan pasmado talaga 'yang bibig mo."
"Sus naman! Tayo lang naman ang nandito at sa tagal ba naman nating magkaibigan, from the smallest to the biggest details ng buhay mo ay nasabi mo na yata lahat sa akin."
Totoo naman talaga na halos lahat ng mga hinaing at problema ko sa buhay ay nasabi ko na sa kaniya dahil alam kong siya lang ang nakakaintindi sa akin lalo na at hindi nalalayo ang kapalaran naming dalawa. At nagkakasundo rin kami sa maraming bagay. Hindi lang din magkaibigan ang turingan namin sa isa't isa kun'di parang magkapatid na rin.
"Hoy, friendship, ano na? Malaki ba maliit?"
"Maliit." Mahina ngunit madiin kong sabi rito para tantanan niya na ako.
"Ay."
Parang nadismaya pa ito ng sabihin ko na maliit ang ano ng lalaki. Mas mainam na rin na ganoon ang sinabi ko para tumigil na ito dahil kapag sinabi kong malaki at nag i-enjoy ako sa aking nakita ay sigurado ako at kung saan na naman makakarating ang usapan namin. At wala rin akong ganang magkuwento pa sa ngayon dahil masakit pa talaga ang ulo ko at lalong bumigat ito.
At mukhang napansin din nito na masama ang pakiramdam ko kung kaya ay hindi na ito nangulit pa sa akin.
"Dalhin na lang namin dito ang pagkain na in-order namin para sabay-sabay na tayong kumain. Habang wala pa relax ka lang muna diyan, hindi na muna kita kukulitin."
Lumabas na ito ng kuwarto.
Bumalik ulit ako ng higa at muling inaalala ang nangyari kagabi. Ang mukha ng lalaking iyon ang aking nakikita sa aking isipan. Kahit na ipikit ko ang aking mga mata ay siya pa rin ang aking nakikita hanggang sa nakatulog ulit ako.
"Run, baby, run. Malapit na ako, mahahabol na kita."
Tawa ako nang tawa habang hinahabol ako nito. Nang makalapit na ito sa akin ay agad akong hinapit nito sa aking bawyang at binuhat at inikot-ikot. Tawa pa rin ako nang tawa dahil sa tuwa at saya na aking nararamdaman hanggang sa tumigil na nga ito ng kakaikot sa akin. Nang bitawan ako nito ay agad na pinaharap niya ako sa kaniya at masuyong tinitigan sa mukha.
"I love you, Mahal. Thank you for coming into my life. Don't you know how happy I am, simula nang dumating ka sa buhay ko? I can't afford to lose you." Pagkasabi niyang iyon ay kinintalan niya ako ng halik sa aking noo.
"I love you, too. Salamat din kasi minahal mo ako, despite my differences. At salamat din dahil napagtiyagaan mo ako." Tumawa ako pagkasabi kong iyon at ganoon din ito.
Maya maya ay nagkatitigan kaming dalawa at unti-unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Pumikit ako habang naka-abang ang nguso ko upang halikan niya. Kaya lang hindi natuloy iyon dahil nakarinig ako ng pagtikhim sa aking paligid. At ng imulat ko ang aking mga mata ay doon ko nakita ang mga kaibigan kong nakatingin sa akin at nakita ko rin ang pagsilay ng mga mapanukso nilang mga ngiti.
At doon ko lang napagtanto na nakahiga pa rin ako sa kama at ang pangyayaring iyon ay isang panaginip lamang. Naramdaman ko rin na parang nakanguso ang aking mga labi kung kaya ay mabilis ko itong tinakpan ng aking palad at unti-unti kong hinihila pataas ang kumot upang takpan ang aking mukha. Narinig ko pa ang tawanan ng mga ito.
"Anj, mukhang maganda ang panaginip mo ah, sino kaya ang kahalikan mo?" natatawang tanong ni Lea.
"Sa tingin ko ang kahalikan ni Anj, si pretty boy na naghatid ng tsinelas niya kanina." Segunda naman ni Irene.
"Sa tingin ko nga rin si pretty boy 'yon, may pangiti-ngiti pa eh." Hirit naman ni Ivy.
"Sino ang pretty boy na tinutukoy niyo?" nagmamaang-maangan kong tanong ko sa mga ito ng alisin ko ang kumot sa aking mukha.
" 'Yong maliit ang t*ti," sambit naman ni Jana sabay tawa.
"Talaga?" sabay-sabay naman na tanong ng tatlo kay Jana.
"Sayang naman guwapo sana. Pero teka paano mo nalaman na maliit ang t*ti? Nakita mo?" natatawang tanong ni Ivy sa akin.
"Tumigil na nga kayo kaka-t**i diyan. Gutom lang 'yan ikain niyo na lang," sabi ko sa mga ito sabay bangon.
"Gusto ko rin kumain ng t*ti," tumitiling wika naman ni Irene.
Nagkatawanan na lamang kaming lahat. Ganito ka balahura ang mga bunganga ng mga kaibigan ko lalo na kapag kabastusan ang pinag-uusapan. No dull moments kapag kami ang magkakasama. Walang sapawan pagdating sa kalokohan at kahit sa ibang bagay kaya kami magkakasundo. Pero sa aming lima si Jana ang mas maraming alam tungkol sa akin.
Naiiling na natatawa ako sa sinambit ni Irene. At sa aming lima ako ang hilig nilang biruin dahil mabilis akong mapikon.
Maya maya ay nakalimutan na rin nilang pag-usapan ang tungkol sa lalaking iyon nang magsimula na kaming kumain.
"Mga friendship, alam niyo na ba ang balita na ang kapatid ni Sir Magnus daw ang hahawak ulit ng company?" ani Lea.
Napatingin kami kay Lea dahil alam namin ang ugali ng kapatid ni Sir Magnus. Kung gaano kabait si Sir Magnus kabaligtaran naman ng ugali niya ang kaniyang kapatid na babae.
"Na naman?" wika ni Ivy.
Tumango naman si Lea.
Minsan na kasing hinawakan nito ang kompanya at ayun walang tumagal. Kami lang yata ang matatag dahil nakayanan namin ang ugali niya.
"But according to my reliable source, mabait na raw siya," muling wika ni Lea.
"How true?" tanong naman ni Jana na nakataas ang isang kilay.
"I don't know." Tumawa si Lea.
"We will see na lang kapag siya na ulit ang boss natin," sabi naman ni Irene.
Nakikinig na lamang ako sa kanila dahil wala rin naman na kaming magagawa kung sakaling ang kapatid ni Sir Magnus ang muling hahawak ng kompanya niya.
"By the way friendships, ano ganap natin mamaya?" biglang tanong ni Jana.
"Island hopping kaya tayo?" Suhestiyon ko.
"Puwede." Hirit ni Lea.
"Sige." Pagsang-ayon ng lahat.
Pagkatapos naming kumain ay agad na gumayak kami. Sabay na rin kaming lumabas at pumunta sa mga nakahilirang bangka sa tabi ng dagat at inukupa namin ang isa sa mga naroroon.
Paalis na sana ang bangkang inukupa namin ng may lalaking biglang humabol sa sinakyan naming bangka.