This chapter is unedited. I'll be revising this just like the previous chapters. Thank you for understanding! - Lika's POV Pagkagising ko, andito na ako sa kwarto ko. Nakita ko si Yssa na natutulog sa couch. Si Angela na naka-upo sa gilid ng kama ko at nakasubsob ang mukha sa kama, at si Zey na nakahiga sa sahig. "Angela, gising! Uy!" sabi ko habang niyuyugyog siya. Minulat naman niya ang kanyang mga mata. "Oh Liks, gising ka na pala." sabi niya at tumayo. "Zey! Gising na si Lika." sabi niya at sinipa si Zey na nakahiga sa sahig. Tumayo naman si Zey at lumapit saken. "Lika, ok ka na ba?" tanong ni Zey. "Oh, mabuti naman at gising ka na." sabi ni Yssa na nasa tabi ko na. "Ok na 'ko Zey." sabi ko. "Ano bang nangyari?" tanong ko sakanila. Natahimik silang tatlo. "Uy! Anong nangya

