"HAPPY anniversary, baby girl." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Stacey nang makita niya ang inihanda ni Prince para sa kanya. Kagagaling niya lang mula sa isang shoot at madaling araw na siya nakauwi. Hindi naman siya sinundo ng lalaki. Ang buong akala niya ay busy ito sa gig nito. Hindi niya akalain na iba pala ang pinagkakaabalahan nito. Punung-puno ng talulot ng rosas ang kwarto niya. Napakarami ring pulang balloons na nasa kisame at may ilang maliliit na scented candle na naka-arrange mula sa pinto ng kwarto hanggang sa mismong kama niya. May nakadikit din sa dingding na "HAPPY 1st ANNIVERSARY."Sa kama, nasa gitna ang isang maliit na cake na napapalibutan din ng mga talulot ng paborito niyang bulaklak. Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng mga luha. Niyakap siya ng lalaki a

