HADES couldn't find Stacey inside his mansion. Nang silipin niya ito sa kwarto nito ay wala ito roon. Inikot niya na ang buong mansiyon pero hindi niya pa rin ito makita—hanggang mula sa terrace ay natanaw niya ito sa dalampasigan, nasa tabi ng bonfire na marahil ay ito ang may gawa. Mabilis siyang lumabas patungo sa kinaroroonan ng babae. Sa pagkakatanda niya, maga-alas nueve na ng gabi pero naroon pa ito. Ni wala man lang itong suot na pangginaw. He reached the seashore in just a minute. Walang imik siyang tumabi sa babae. The latter was staring at the moon. "Masamang mag-bonfire sa buhangin. The sand will turn black," paalala niya kahit pa hindi naman talaga iyon ang concern niya. Tiningnan siya nito. To his surprise, he couldn't find any reaction in her eyes. Para itong manyika na

