HALOS mabali na ang leeg ni Stacey sa kakalingon sa mga taong nilalampasan nila. Naroon sila ngayon sa Puerto Princesa. Dinala siya roon ni Hades sa tulong ni Mang Waning. Hindi na nito sinubukan pang gamitin ang yate dahil alam nitong mas lalo silang makikilala sa lugar kung makikitang lulan sila ng sasakyang-pandagat ng binata na nagkakahalaga ng milyones. Gusto raw nitong magtungo sa mga mall doon kaya naman madaling-araw pa lang ay umalis na sila dahil may kahabaan ang travel time mula sa private island nito patungong Puerto Princesa. Naka-disguise na naman sila. Ang hindi niya maintindihan, pakiramdam niya ay may mangilan-ngilang tumititig sa kanila. Hindi kaya nakikilala na ng mga tao si Hades? "Relax," bulong ni Hades nang makita kung paano manlaki ang mga mata niya dahil kailang

