CHAPTER 20 “Tang ina! Anong ginagawa ninyo? Tulungan ninyo ako!” singhal ni Daniel sa mga tao niya. Agad nilang inalalayang tumayo si Daniel. “Tang-ina!” itinulak niya ang kanyang mga tao nang nakatayo na siya. “Nakauna ka lang pero hindi ka mananalo sa akin, kupal ka. Hindi mo ako kaya!” singhal niya sa akin. Pumorma siya ng tayo saka siya tumingin sa kanyang mga tauhan. Tumabi nga kayo!” sigaw ni Daniel. Malikot ang mga mata ni Gelo habang naghintay kung anong kayang gawin ni Daniel. Hindi pa nakakasuntok ang kanyang kalaban. Hindi pa ito nakakabawi sa kanya. Nang lalapit si Daniel ay halatang galit na galit na sa kanya. Nawala na yung nang-aasar nitong mukha kay Gelo. Tumakbo si Daniel para sugurin siya. Nakahanda na ang kamao ni Daniel para bugbugin sana si Gelo pero mabilis ni

