CHAPTER 22 Pagkapasok na pagkapasok niya sa kanilang kubo ay pinagpahinga na rin niya ang kanyang mga kapatid at sinabi niya sa kanila na hindi siya makululong. Na wala siyang ginawang masama para makulong siya. Noon lang nakampante ang kanyang mga kapatid na sina Andrew at Angie. Umupo siya sa kanyang papag. Parang wala pa rin siya sa kanyang sarili. Alam niya namang wala siyang kasalanan pero alam din niyang kaya niyang umiwas, kaya niyang pigilan ang kanyang galit. Naisip na niya ngayon na dapat umiwas siya. Dapat hindi siya nagpadala sa galit niya. Dapat hindi na lang niya nilabanan si Daniel. Ngayon ay natatakot na siya. Nagsisisi sa kanyaang mga nagawa. Paano kung may mamamatay si Daniel at ang tauhan niyang si Daniel naman talaga ang nakasaksak? Sabihin mang ipinagtanggol lang niya

