CHAPTER 55 “Oo na. Sige na, nandiyan na. Ano pa nga bang magagawa ko. Magpahinga ka na lang muna. Sabi mo kanina, di ba gusto mo pang matulog?” "Baby ko, galit ka pa ba? Hindi mo ba ako naiintindihan?” “Ano pa nga bang magagawa ko? Tinago ko ito at naghihintay akong ikaw ang una sa aking magsabi kaso wala akong mahintay kaya ako nang nagsabi. Saka hindi naman sa’yo nakadirekta ang inis ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit kasi ako nagkasakit. Galit ako sa mga nangyari sa akin pero hayaan mo, piliin kong intindihin ka. Idinadalangain ko ang iyong kaligtasan kahit alam kong wala akong karapatan.” “Paano kung paggising ko wala ka na naman at sulat na lang ang iiwan mo kasi ayaw mo itong ginawa ko?" "Ano ka ba? Hindi na mangyayari pa iyon. Hindi ako aalis na hindi tayo mag-uusap okey?

