Chapter 48 Napaluha na lang si Alyana. “Alam ko mahirap pero pinagkakatiwalan mo pa ba ako, Alyana? Laban na nating dalawa ito kaya sana huwag kang bumitiw. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang bumitiw.” "Hindi naman ako basta- basta na lang bibitiw at lubos rin naman ang tiwala ko sa pagmamahal mo sa akin. Hindi naman ni minsan nawala ang tiwala sa'yo. Kaya lang nandiyan na sila eh. Nasukol na tayo. Alam na nila kung saan tayo nakatira. Mas ligtas ka na ngayon kaysa kanina kasi pwede ko nang mapakiusapan si nanay at tatay na huwag kang galawin. Kailangan na naman ba nating tumakas, Gelo? Kailangan na naman ba nating magpakalayo-layo? Kung aalis pa tayo, saan na naman tayo pupunta?" "Hindi ko alam. Basta bahala na. Ang importante ay makaalis na tayo rito. Kailangan na nating umal

