Chapter 19

2139 Words
Lucy grimaces at me. Nginitian ko lang siya ng matamis bago tuluyang ibuhos yung gravy sa Mcfloat ko, mas lalo namang nalukot ang face niya. "Bakit ganyan ka makatingin?" "Edible ba iyan?" Nananantiyang tanong niya. Para bang ang laking kasalanan ng ginawa ko sa order ko. "Siyempre naman." Ngumuso ako. "Hindi naman ako kakain ng hindi edible. Ganoon ba tingin mo sa akin?" "Sa ugaling meron ka, East," She leans from her chair at tumitig sa akin na parang food inspector. "Hindi imposible." "Ang bad mo!" Mas lalo pa yatang humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang awayin kasi ang meany niya pero gusto ko rin siyang yakapin kasi ang cute niya. Hay! RIP, East. Kailangan ko talagang kontrolin ng maigi itong mga nararamdaman ko. Hay. "Napapaisip tuloy ako kung baka nasubukan mo nang kumain ng pagkaing nalaglag sa daan." Tinaas-baba niya ang parehas na kilay, halatang inaasar ako. Si Lucy habang tumatagal nagiging alaskador. Minsan masungit, minsan tahimik lang, minsan naman parang mahiyaing dalaga. Ang hirap niya i-spell pero masaya pa rin naman siyang kasama kahit na anong side pa niya ang nakikita ko. "Grabe ka, Lucy! Hindi ko kaya 'yan ginagawa! Nahulog na candy, oo—" Bigla siyang napahagalpak ng tawa to the point na tumingin pa yung nasa may katabing table namin. Nag-init ang pisngi ko. "Patapusin mo ako!" "Okay, okay." Tumawa pa ulit siya ng ilang segundo bago dahan-dahang kumalma. "Go." Ngumiti siya ng matamis. Napalunok ako. Huwag kang ganyan, Lucy, natutunaw ako. Pinapak ko na yung Mcfloat ko. Napangiwi siya pero wala naman na siyang sinabi pa. I cleared my throat. "Pinupulot ko yung nahulog na candy pero may wrapper pa kaya." Sabi ko habang namumula. Ang lamig dito sa Mcdo pero yung pawis ko, hay nako! Kasi naman itong si Lucy. She's embarrassing me at mukhang natutuwa pa siya! "Bawal tumawa!" "Pero masaya ako." Ngumiti siya at humalumbaba. Tumingin siya ng diretso sa mata ko. "Ngayon ko lang sasabihin 'to. Thank you, East." Ang sincere ng boses niya pati ng paraan ng pagtitig niya sa mata ko. Sobra. Para akong natutunaw na nabubuo ulit. How can she do that? How can she melt my being through her sincere words and stares and still feel complete and full at the same time? That's quite ironic. "Welcome. Pero para saan yung thank you mo?" tanong ko, "Wala naman akong ginagawa. Kinukulit lang naman kita, eh." "Exactly." She snaps her finger. "Dahil sa pagiging makulit mo kaya nararanasan ko lahat 'to. Things wouldn't be fun if it's not for you." I am rendered speechless. Napakain ako sa Mcfloat ko ng mabilis kaya ganoon na lang pagngiwi ko. "Ugh! Brain freeze!" Tinuktukan ko yung ulo ko. Oh, my gosh. Ang sakit! Tumaas ang isang kilay niya. "Buti nga sa'yo." "Meanie!" Singhal ko bago mag-pout pero tinitigan niya lang ako ng walang kaemo-emosyon sa mukha. Nag-subside na rin sa wakas yung sakit. "Sakit kaya magka-brain freeze!" "Bakit kasi kinain mo ng sunud-sunod, eh, alam mong ang lamig niyan?" "Eh," Nilaru-laro ko yung straw ko. "Speechless ako, eh." "Sa sinabi ko?" "Opo." Nagpapa-cute na tumitig ako sa kanya. "Na-touch si East sa sinabi mo." I say, talking in third point perspective. Her expressionless face slowly melts as a smile forms on her lips. Pinilit kong huwag mapatitig masyado ng matagal sa labi niya. Mahirap na, baka mahalata ako. "So, I made you speechless sa kabila ng kadaldalan mo?" Tumango ako kahit gusto kong kumontra sa madaldal na part. Hindi naman kaya ako ganoon kadaldal. "Buti naman dahil totoo yung sinabi ko. I'm always having fun when I'm with you. Wala naman kasi talaga sa plano ko lahat ng 'to." "As in wala kang planong magkaroon ng kaibigan?" She nods. Naiintindihan ko siya. May part sa loob ko na iniisip na masyado siyang hard sa sarili niya para maisip iyon. Kasi wala namang masama magkaroon ng kaibigan kasi ang mahalaga naman mararanasan niya maging mas masaya. Kasi masaya iyon, eh. Siguro palagi niyang naiisip yung sakit niya. Siguro ayaw niya lang maging selfish. "I planned to stay as is. Yung kung ano lang meron ako, iyon na lang." She sighs. "Real talk, there is a possibility that anytime, pwede akong...mawala." Nakuyom ko ang palad ko. Ang sakit kasi marinig, eh. Bakit kasi ganoon? Ayoko no'n. Sana naman this time, wala nang mawala. Masakit na nga yung kay Mama, eh. I will really hate life itself kung mawawala pati si Lucy. I just recently learned how to like someone so much, I don't want it to be cut short. Hindi ko alam kung kaya ko. "Pwede akong i-fail ng sarili kong katawan. We can never tell. Kaya as much as possible, ayokong madagdagan yung mga pwede kong maiwanan. It's so hard on my part, kung alam mo lang. I don't want to carry that kind of burden kasi itong pinagdadaanan ko pa lang, nakakapagod na. But you came." "Panggulo ba ako? Kasi nasira ko yung plan mo?" Ngumiti siya. "I'm torn between letting myself be happy with you so I can keep great memories to treasure, and wanting myself to avoid you at the same time so I wouldn't have memories to treasure na siguradong iiyakan ko kung sakaling wala na akong magagawa para dagdagan pa iyon." Parang may bikig sa lalamunan ko nagpapatigil sa akin para makapagsalita. Hindi ko ine-expect na ganoon talaga yung nasa isip niya. Nahihirapan pala talaga siya. Pero wala akong magawa. "Ang selfish ko, 'di ba? Sarili ko lang ang iniisip ko." Pinanood ko yung paglilikot ng mga daliri niya. "Sa totoo lang, may mga kaibigan ako noon. Pero nang malaman ko na may sakit ako at posible na malagay ako sa alanganin, hindi na ako nagparamdam sa kanila noong huminto ako sa pag-aaral. Ayoko kasing maawa sila o malungkot. Ayos na yung ako na lang. I'd rather make them mad enough to forget me than being remembered with pain." "Hindi kita iiwan." Natigilan siya. "A-ano?" "Hindi kita iiwan, Lucy." Pag-uulit ko. "Nandito lang ako palagi para kulitin ka. Hindi kita titigilan kahit hanggang mainis ka pa. Kaya dapat habaan mo pa ang pasensiya mo sa akin, okay?" Unti-unting namula ang pisngi niya. Inayos niya ang buhok kahit na hindi naman magulo bago yumuko. Napansin kong huminga siya ng malalim bago nag-angat ng tingin sa akin. "O-okay." -- "Kiddos, Mcdo!" Bungad ko sa mga kapatid ni Lucy. Tuwang-tuwa naman silang nagsilapit sa akin, lalo na si Lauren na akala mo nagha-heart ang mata dahil sa pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo. Inabot ko sa kanila yung food nila bago ako lumapit kay Tito at nagmano. "Good evening po. Kain po." "Sige lang." He smiles. Nagmano rin sa kanya si Lucy. "Kamusta ang araw mo, 'nak?" "Masaya po, Papa." Nakangiting sagot niya. "Nadagdagan na naman kakulitan ni East, eh. Malapit ko nang isipin na kasing-edad lang niya sina Austin." "Grabe ka naman, dalaga na kaya ako!" Parehas silang natawa sa akin. "Kakain pa ba kayo? Ikaw, East, uuwi ka na ba agad?" Tito asks. "Hindi na po ako kakain, Pa." Lucy answers. "Thank you po." "Tatambay muna ako sa kwarto niya, Tito." Ako naman ang sumagot, "Pwede po?" Natawa siya. "Pwedeng-pwede." Pagkatapos ng kaunting usapan at pakikipaglaro kina Austin at Lauren ay dumiretso na rin kami sa kwarto ni Lucy. Binuksan niya yung ilaw and as usual, pinatalikod niya ako kasi kailangan niya magbihis. Feeling ko ang p*****t ko kasi bigla ko na lang naisip kung ano kayang itsura niya kapag walang ano, walang damit. Bakit ko ba iniisip iyon? Meron din naman ako ng kanya, ah. Well, except sa dibdib kasi alam kong walang makakapa sa akin. Sa kanya kasi... I groaned softly. Naman! Stop thinking, East! Dati naman wala akong nafe-feel na something kapag tungkol do'n, naiisip ko lang na cutie iyon pero ngayon. This is bad. Oh, my. Naramdaman kong lumundo yung kama. Napalingon ako kay Lucy ng kalabitin niya ako sa ulo. "Okay na." She tilts her head. "Bakit namumula ka? Mainit?" "M-medyo." Binuksan niya yung electric fan bago bumalik ulit sa tabi ko. "Okay na." Tumango ako. Feeling ko makasalanan ako. "Lord, patawad." Nagsimula akong kumanta habang nakahiga. "'Pagkat ako'y makasalanan, makasalanang nilalang." "Ang weird mo talaga." Natatawang sabi niya. Nakihiga siya at yumapos sa baywang ko. Feeling ko napigil ko ang hininga sa sobrang lapit niya sa akin. Yung warmth ng palad niya, ramdam ko. "But that's what I like about you." My heart beats fast. Sobrang bilis. Bigla kong napagtanto yung plano ko kung bakit ko siya inayang lumabas...na nakalimutan ko. Plano ko nga palang umamin sa kanya. Pero ano ito? Nakauwi na't lahat-lahat pero wala man lang akong nasabi na kahit ano? May time pa ba? Pwede pa ba? Kailangan kong mag-isip! "May gusto ka bang sabihin?" "H-ha?" "Bigla kang natahimik." Pagpuna niya. "Anong iniisip mo?" "Wala naman kaya." sabi ko. Tumagilid ako ng higa para lang manigas nang yakapin niya ako lalo. I can feel her warmth on my back. Nakakawala ng katinuan. No! Kailangan ko magkaroon ng grip sa sarili ko! Lucy, why you like that? "Napagod ka ba?" "Hindi naman. Mas ramdam ko yung fun." Napangiti ako sa sinabi niya. "Ikaw?" "Siyempre masaya rin." sagot ko. Huminga ako ng malalim. "Lucy?" "Hm?" Huminga ulit ako ng malalim. It's now or never. Ayoko ng ganito, eh. Pakiramdam ko sasabog ako kapag mas pinatagal ko pa. Bahala na. Ganoon din naman, eh. Either positive or negative ang result. Kahit i-prolong ko wala namang magbabago. "East?" "Pwede mag-promise ka muna?" Kinakabahang tanong ko. Pinipilit kong palakasin yung loob ko kahit na feeling ko lalabas na yung puso ko sa rib cage ko. Ayoko mag-back out. Ayoko. "Bakit?" "Sige na!" Ungot ko. "Promise ka muna!" "Okay, promise." She gives up. "Pero para saan?" "Sa sasabihin ko. Ano, huwag ka magagalit." mahinang sabi ko. "Ano ba kasing sasabihin mo?" "Wait lang! Kinakabahan ako!" "Okay." She laughs lowly. Para akong ewan na nag-breathing exercise na. Kailangan ko mag-relax. Kailangan ko kumalma. I need to tell her properly. I have to say this or I won't be able to confess forever. Umalis ako sa pagkakayakap niya at umupo. Umupo na rin siya at tinitigan ako. Napaiwas ako ng tingin. Mas doble yata ang effect no'n ngayon. Para akong matutunaw! Pumikit ako. With one last intake of breath, I gather all my courage and stares at her. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, may hinala akong nararamdaman at naririnig niya iyon. "I like you a lot, Lucy." Naiyak ako sa sobrang kaba. Feeling ko reaction ko lang iyon kasi hindi naman talaga ako naiiyak, eh. Bumakas yung pag-aalala sa mukha niya. "Ano, alam ko weird kasi parehas tayong babae pero seryoso ako. Gusto talaga kita." Hindi siya nagsalita pero pinunasan niya yung luha ko gamit ang daliri niya. "Bakit ka naiyak?" "Kinakabahan kasi ako." Sabi ko sa kanya which is totoo naman. Wala akong mabasang violent reaction sa mata niya kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan kasi hindi ko alam kung rejected ba ako o ano. "Nakakatakot palang mag-confess. Proud ako sa mga nagco-confess na babae at lalaki, pagagawan ko na sila ng banner next time." Natawa siya tapos ginulu-gulo ang buhok ko. Napanguso ako. Really? Now? She's treating me like a kid now? "Sa sobrang kaba mo kung anu-ano nang nasabi mo pagkatapos." She pinches my cheeks. Napasimangot ako. "Can I do something weirder?" "H-ha?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Something weirder? "Ano ba 'yon?" Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Inayos niya ang buhok ko. Napatikom ako ng bibig nang haplusin niya yung pisngi ko. Saka ko lang na-realized na ang higpit na rin pala ng pagkakahawak ko sa laylayan ng damit niya. "Huminga ka ng maayos, East." "Eh, okay." Sinubukan kong kumalma at huminga ng maayos. Mabilis ko namang nagawa iyon. "Okay na." Pagkasabi ko no'n ay ganoon na lang ang paghinto ng hininga ko nang magdikit ang mga labi namin. What...oh, my gosh! Lalong nagwala ang puso ko. Ito ba yung sinasabi niyang something weirder? Ipinikit niya ang mata at bahagyang idiniin ang pagkakalapat ng labi niya sa akin. Napunta ang kamay niya sa batok ko at marahan iyong minamasahe. Unti-unti akong napapikit. We're not moving but it feels so good. Everything feels so good. Hindi ko alam kung gaano katagal naglapat ang labi namin bago siya humiwalay. May ngiti sa labi niya na para bang nanalo siya sa lotto. "Mag-promise ka, East." "A-ano?" Para akong lutang. Feeling ko na-high ako sa halik. "Na hindi ka magagalit because I stole a kiss from you." Napatango na lang ako. "Don't you know what's the weirdest?" Kumunot lang ang noo ko. Intact pa naman siguro yung kaluluwa ko sa katawan ko. Did we just kiss? Oh, my gosh. "It's me saying I like you, too." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD