"Late yung periodical exam natin," ungot ko. Hindi naman sobrang late pero parang ganoon pa rin. Supposedly standardized ang schedule ng exam pero medyo nahuli kami compare sa ibang satellite ng school namin. Wala namang nagbago, eh, magre-review pa rin naman. "Mag-aral ka na lang." Lucy says habang kumakain. Ampalaya ang ulam niya. Ewan ko pero napapangiwi ako sa ginagawa niya kahit na mukhang hindi naman siya napapaitan do'n. "Bawal bumagsak." I pout my lips and she just shakes her head in return. Dito kami sa garden nagpunta after um-order ng foods. Sa totoo lang iniiwasan ko talagang makalapit sa amin si Via. Hindi ko makalimutan yung awkward encounter namin noong nakaraang araw lang. I think Lucy likes the idea, too, because she's not saying anything. Hindi naman namin iyon napag-

