Chapter 16

1633 Words
"Good morning!" "Good morning din, Via." Pinasigla ko ang boses at nginitian siya. Kanina pa matamlay yung pakiramdam ko. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Lucy, hindi ko alam kung papasok ba siya o hindi. I tried texting her pero walang reply. Noong tumawag naman ako, eh, hindi naman sumasagot. I'm so worried. Baka kung ano nang nangyari sa kanya. Sana pala kinuha ko na rin yung number ng Papa niya para mabilis akong maging updated sa mga whereabouts ni Lucy. Paano na lang kung may mangyaring masama sa kanya tapos wala ako? Baka hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko. Kung pwede lang na huwag pumasok para mapuntahan agad siya kaso nakabantay sa akin si West. Kanina niya pa ako tinititigan! Wala akong takas sa kapatid kong masipag pumasok. Hay. Sad life. Now I have to endure everything hanggang sa pwede nang umuwi. Sana bumilis ang oras. "Wala yata si Lucy." Napatingin ako sa kanya. Nasa harap ko pa pala siya. She looks at the seat beside me before averting her gaze at me. "Hindi ba siya papasok?" Nagkibit ako ng balikat. "I texted and called her pero wala siyang paramdam, eh." Tumaas ang kilay niya pero wala naman na siyang sinagot about do'n. Hindi ko rin sure kung namalik-mata lang ba ako pero parang nakita ko yung inis sa mata niya although mabilis ding nawala. Isinawalang-bahala ko na lang 'yon. Dumating na yung teacher. Mabilis namang nagsibalikan sa mga upuan yung mga classmates ko at tumahimik. Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi talaga siya dadating. "Good morning, class." "Good morning, Ma'am!" -- Hindi ko in-expect na matatapos ko lahat ng morning subjects namin na walang nakakapansin na lutang ang mood ko. Ni wala nga akong naintindihan sa mga lession na itinuro. Nag-quiz din kami, buti na lang may na-retain sa utak ko kahit na papaano at pasado ako. Buong oras na si Lucy lang ang naiisip ko. Hindi ko nga alam paanong naiisip ko siya ng sobrang tagal. Basta nag-aalala ako. Nakuyom ko ang pala. Gusto ko nang umuwi! Bakit ba kasi ang tagal bago mag-uwian? "Hi." Napatingin ako kay Via. Hinanap ko ng tingin si West, sumenyas siya sa akin na aalis na siya, kasama niya rin yung best friend niya. Pansin ko rin na wala na yung mga kaibigan nitong babaeng nasa harap ko ngayon. "Hello." "Let's lunch together?" Nakangiting tanong niya. Naalala ko bigla yung sinabi ko noon sa kanya na papayag akong sumama sa kanya next time. Wala naman kasi si Lucy tapos wala pa mga kaibigan ni Via. Okay lang naman siguro, minsan lang naman. "Sige." Lalong mas lumaki ang ngiti niya. Inayos ko yung gamit ko at sabay na kaming lumabas ng classroom. Hindi ganoon karami ang students nang makarating kami sa canteen. "Pwede sa medyo isolated part tayo?" "Sige." Pumunta kami sa part na wala halos estudyanteng nakatambay at doon pumuwesto. Pang-dalawahan upuan lang yung sa table at mukhang pabor na pabor naman iyon kay Via kasi hindi maalis ang ngiti niya. "Ako nang o-order," she volunteers, "what do you want?" "Sure ka?" Tanong ko. Tumango naman siya. Saglit akong nag-isip ng pagkain na gusto kong kainin. Hmm... "Spaghetti na lang. Tapos Mountain Dew. Okay lang?" "Oo naman." She beams. Mag-aabot na sana ako ng pera nang umiling siya. Ibinaba niya pa ang kamay ko. She winks at me. "It's on me today. Ako na bahala." "Eh, nakakahiya." Bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa pagkindat niya. Tumawa lang siya pagtapos ay umalis na. Dumiretso siya sa counter. Hindi na ako nakakontra. Iyon gusto niya, eh. Masaya naman tumanggap ng libre. Pagdating niya ay kaagad na niyang nilagay sa table yung mga order. Nakita ko na may kasama iyon na dalawang slice ng chocolate cake. "Tig-isa tayo sa cake." Sabi niya agad. Napangiti naman ako. I love sweets! "Thank you." "Mabuti naman nangiti ka na." Natigilan ako sa sinabi niya. "Kanina ko pa kasi napapansin na mukha kang malungkot." "Paano mo napansin?" Nagtatakang tanong ko. "Ang layo ng upuan mo sa akin sa room." "Let's eat first. I'll tell you how after." Sumunod na lang ako kasi kumain na rin siya. Nagugutom na rin naman ako, eh. At saka, ang sarap ng foods! Sayang at hindi namin kasabay sina West, edi sana may mahihingan ako. Hay. Sad life. Panay lang ang pagkuwento sa akin ni Via tungkol sa kahit ano. Minsan tungkol sa sarili niya, minsan sa mga kaibigan niya, minsan sa mga classmates namin. Ang dami niyang baong kwento na akala mo pinaghandaan niya itong moment na 'to para marami siyang masabi. Mabilis lang kaming natapos sa pagkain. Actually nakakalibang naman talaga siya, pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko si Lucy at kung kamusta na ba siya. Kung pwede nga lang utusan ang utak ko na mag-focus muna sa kasama ko, ginawa ko na, eh. Kaso sobrang hirap. "Sorry, masyado ba akong madaldal?" "Hindi, ayos lang." Sagot ko sa kanya bago ngumiti. "Okay nga na madaldal ka, eh. Para walang dead air tsaka hindi boring." "So, you don't find me boring, huh." Ngumiti siya na parang ewan. Hindi ko ma-describe. Basta may iba sa pagkaka-smile ni Via. Tumango na lang ako. "That's great to know." "Yung ano pala, yung sinasabi mo kanina." Sabi ko na lang na ang pinatutungkulan ay yung sa napansin niyang parang malungkot ako. Nagtataka pa rin kasi talaga ako. "I'm quite surprised." Natawa siya. "Slow ka lang ba or you're just pretty naive?" "Huh?" Anong kinalaman ng pagiging slow at naive? Ipinatong niya ang kamay sa kamay ko. Nandoon na naman yung pakiramdam na naiilang ako. Para kasing may something sa action niya kahit na normal lang naman kung titingnan. I always feel that there's something off about her. Pinagmasdan ko siya. Sa totoo lang maganda siya. Ang mature agad ng physical appearance niya kahit alam kong hindi naman nalalayo ang edad namin. Hanggang balikat ang buhok niya na medyo brownish ang kulay lalo na kung nasisinagan ng araw. I think natural hair color niya iyon. Maamo ang mukha niya pero mukhang mataray ang mata. No wonder na palagi siyang napipiling muse sa klase at madalas isama kapag may ganap sa school. "Hindi naman kita masisisi, mas mahirap talaga magparamdam kapag babae." Naaaliw na saad niya. Mas lalo lang kumunot yung noo ko kasi hindi ko siya maintindihan. Ayaw na lang diretsuhin. "Why will I waste time looking and observing you, East?" "Bakit mo nga ba ginagawa?" Balik kong tanong sa kanya. Puro naman kasi siya tanong, wala man lang matinong sagot. Para siyang tao na mahilig mag-iwan ng tanong na nakaka-curious. "Para sa akin sobrang mysterious mo." Sagot niya. "Mas mysterious ka pa sa kambal mo. Siguro nga mas mukha kang happy go lucky and outgoing, but that doesn't make you less mysterious. You smile a lot but I always wonder kung totoo ba lahat ng ngiting nakikita ko palagi sa'yo." Inalis ko yung kamay ko na hawak niya pero mabilis niya rin iyong nahablot pabalik at mas hinawakan pa ng mahigpit. "You seem friendly and all but I know you find me odd, am I right, East?" Ngumiti siya, pero parang ang threatening ng dating no'n. Hindi ko mahanap sa loob-loob ko kung ano ba ang dapat isagot kasi totoo naman. "I can sense it base na rin sa paulit-ulit mong pagtanggi every time na inaaya kitang sumama sa akin." Napalunok ako. Bakit lahat ng sinasabi niya tama? Bakit feeling ko hindi ako safe? Naikuyom ko ang isang kamay na nakatago sa ilalim ng lamesa. "I know you're clenching your fist right now. Hindi ka na komportable, tama?" Para akong pagpapawisan ng malamig. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng panlalamig sa kalamnan. Hindi ko kaya yung ganito. Hindi ko ma-absorb na mas marami pa siyang alam sa akin kaysa sa kung paano ko kilalanin yung sarili ko. "May...may problema ka ba sa akin?" tanong ko, "Naiinis ka ba kasi ganoon ako?" Umiling siya. "Natutuwa pa nga ako sa'yo, eh." She's weird. "Pero naiinis ako kasi may nakakuha na ng atensyon mo." Nagsalubong ang kilay niya. "Huwag mo nang i-deny, I know that you like her." "Ha?" Napakamot ako sa ulo ko. "Teka nga, hindi kita ma-gets. Parehas pa ba tayo ng naiisip na pinag-uusapan?" Tumawa siya na para bang joke yung sinabi ko. "You're dense and all but I still like you." "What?" "Paano ko ba ie-explain?" Bumuntong-hininga siya. Binitawan na niya ang kamay ko at sumandal siya sa upuan. Nakahinga ako ng maluwag. "Sa pagkakaalam ko talaga straight ako, eh." Tumawa ulit siya. "Pero ano bang meron sa'yo? Sa inyo ng kambal mo? Nakakabaliko ka. Ano kami, spaghetti noodles?" She humors. Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko habang ina-absorb ko lahat ng sinasabi niya. Unti-unti akong nagkakaroon ng idea kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating. "I like you, like, as in I have this urge to kiss you right now to prove it but I can't." Finally ay sinabi na niya rin. Para bang hirap na hirap siya dahil do'n. Pero ako, anong sasabihin ko? Kasi... "Via, sorry..." "That won't make me stop, East. Nasabi ko na rin sa wakas." Huminga siya ng malalim at umiling. "Kahit hindi mo aminin sa akin, alam ko na gusto mo si Lucy. Nakikita ko sa paraan kung paano mo siya tingnan kasi ganoon din ako tumingin sa'yo." Naging malungkot ang tingin niya sa akin pero nawala rin agad. Pero parang tumatak sa isip ko yung huling sinabi niya. Si Lucy, gusto ko? Paano naman niya nasabi iyon kung ako nga hindi ko alam? Gusto ko ba si Lucy? Lalo lang nagugulo utak ko! "Alam ko may gusto kang iba pero hindi ako basta-basta panghihinaan ng loob dahil lang do'n. Mapapansin mo rin ako, East." Ngumiti siya ng matamis. "Please keep that in mind." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD