CHAPTER 11 Kikay POV Ang araw ko, as usual, ay nagsimula sa simpleng umaga. Nasa harap ako ng salamin, nag-aayos ng buhok habang paulit-ulit na iniisip ang bagong taktikang gagawin ko laban kay Emmanuel. Oo, hindi ako patitinag. Kung siya ang hari ng kasungitan, ako naman ang reyna ng katapangan. Hindi pwedeng siya lang ang masaya sa gulo namin! “Hoy, Kikay! Huwag kang masyadong ngumiti ng ganyan, baka akalain ng mga tao eh may balak kang masama!” sabi ni Aling Cora habang papasok sa bahay dala ang ilang gulay. “Eh ano naman, Aling Cora? Tama naman sila, may balak talaga ako,” sagot ko, sabay hagikgik na parang kontrabida sa teleserye. Dala ang basket ko, naglakad ako papunta sa palayan. Nakita ko agad si Emmanuel, mukhang abala sa pagbibigay ng utos sa kanyang mga tauhan. Suot niya a

