CHAPTER 16 Kikay POV Bakit ba ang bilis ng t***k ng puso ko kapag nandiyan si Sir Emmanuel? Napapaisip ako habang inaayos ang basket na puno ng palaka. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang saya-saya ko kapag inaasar ko siya. Kahit madalas na galit na galit siya sa akin, parang gusto ko pa ring ulit-ulitin ang pagtawanan siya. Pero, teka, bakit ba parang ang weird na ngayon? Parang hindi na lang simpleng saya ang nararamdaman ko. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang tinig ni Sir Emmanuel. "Kikay!" sigaw niya mula sa likuran. Halos mahulog ang basket ko sa kaba. Bakit parang bigla akong na-conscious? Ano ba ‘to? Hindi naman ako ganito dati. Huminga ako nang malalim at pilit na binalik ang dati kong confident na anyo. "Oh, Sir Emmanuel, anong problema mo ngayon? Mukh

