Gusto

1766 Words

CHAPTER 13 Emmanuel POV Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing naiisip ko si Kikay, laging may kaunting ngiti na pumipilit umusbong sa labi ko, kahit pa pilit kong nilalabanan. Bakit ganito? Wala naman sa plano ko ang makipagkulitan sa isang babaeng halos hindi alam kung paano sumunod sa mga patakaran. Pero bakit tila naging bahagi na ng araw ko ang pag-aabang kung ano na namang kalokohan ang gagawin niya? At bakit, sa tuwing nababangayan kami, parang mas lalo akong nabubuhay? Pumasok ako sa opisina ko na nasa loob ng hacienda, pilit na iwinawaksi ang imahe ni Kikay na paulit-ulit na sumisiksik sa isip ko. Dumaan ang araw na punong-puno ng meeting kasama ang mga trabahador, pero kahit anong gawin ko, naiisip ko pa rin ang nangyari kanina—ang halik. "That damn girl," bulong ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD