8

2220 Words
SIF 8 TAKEO’s pov Badtrip! Yung ang pakiramdam ko ngayon. pero kung tutuusin wala namang dapat ikabadtrip e. naging maayos naman ang interview ko kanina. Tatawagan daw ako kung hired na ako. pero ewan ko! PMS lang siguro to. Pati yung dalawang kapatid ko napagbuhusan ko ng inis kaninang umaga. Gusto nilang magpasama sa mall pero pinatayan ko sila ng tawag at phone. Pati si melo gustong makipagkita pero tinatamad akong sunduin siya. KASI NGA….badtrip ako. Unattended si Rai. She’s till with enz. Mag-iisang linggo na rin siya dun ah. Takas tawag lang siya lagi minsan hindi ko pa nasasagot. >__< Busy rin si Niña with her college friends. sulitin na naman ang mga outings. I GUESS IT’S A BONDING WITH ME MYSELF AND I on a badmood day. Niyaya ko si Sachiko na mag-bowling pero may pinapagawa raw si tito tungkol sa bar. Hindi naman ako ganun kabait ngayon kaya I never bothered helping her. Itinigil ko ang kotse ko sa may tapat ng isang mall. Sandaling nag-isip kung tutuloy ba ako o gugugulin ko na lang ang oras kong mag-aksaya ng gasoline at libutin ang buond siyudad. ASTIN’s pov I need a break. Ngayon ko lang ulit to gagawin. Yung magshopping mag-isa. Bibili ako ng mga bagong sapatos , pants, bloueses and new make up kit. Pero bago yun gusto ko munang mag-unwind. mag-eleven pa lang naman at hindi pa ako nagugutom. Gonna burn some stressors muna. BOWLING MODE. “good morning miss..”bungad ko dun sa babae reception area. “goodmorning maam…may kasama na po ba kayo ngayon?”ngiti niya. “wala pa rin e.”ngiti ko dito. Suki na ako dito pag badtrip ako. nagpalit na rin ako ng sapatos, at isang oras akong magmamagaling mamaya. “sana next time te may ka-date ka na..”biro nung lalaki sa kwarto. “ipagdasal mo kuya…”tugon ko naman. Sumaludo ito sa akin. adik rin sila dito e. panu kasi sa sampung beses yata ba pagbobowling ko dito minsan lang na may kasama ko. nung kasama sina aryana at pj. Halos trienta minutos na rin akong nagbobowling at sumakit na ang balikat ko. sandali akong naupo at nagpangalumbaba lang. angdami ko na palang missed calls From ivvo. Trop daw magbowling rin. e too late. Bahala siyang maghanap ng mapaglilibangan. Nakayuko lang ako at inaatupag ang phone ko nang may naglapag ng bag sa harapan ko. inangat ko ang mukha ko para Makita kung sino yun. O_o------ me “hi…. Small world…”she said coldly. Sandali akong natameme. Nakatingala ako ngayon sa taong ilang araw ko na ring gustong makasama. Si Rann. “hey??? Para kang nakakita ng multo?” “uh..sorry…hindi ko lang ineexpect na makikita kita dito…”tugon ko sa kanya. Naupo naman siya sa tapat ko.”diba ikaw yung kasama ni Sachiko sa ktv?” I nodded. “buti tama ang hula ko. alanganin nga akong lapitan kanina e. kasi baka mapapahiya lang ako.” “ah okei…” “uhm…bakit wala kang kasama?” “wala…” Angdry kong kausap? Natataranta kasi akong kaharap ko siya. “ikaw? Bakit mag-isa ka?” “wala rin…”she smiled weakly. Pag ganito siya siguradong may mga bagay na bumabagabag sa kanya. kung pwede lang tanungin e kanina ko pa ginawa. “wanna play?” “sige pero baka matalo ka…”she smirked. Pinareset ko yung time ko. binayaran naman niya yung kalahati e. “magpupustahan ba tayo?”tanong niya. “ok..anong gusto mong pusta?”paghahamon ko naman. “anything? Like libreng lunch?” “game…!” Anglakas ng loob ko kasi hindi naman siya ganun kagaling dito e madalas kaya siyang lowest pag naglalaro kami dito dati. Hoho. Humanda ka rann manglilbre ka na. After 12345679 ay…. “so pano nay an? Panalo ako?”she smiled widely. Nakapitong strike siya mantalang ako apat lang. angdami ko pang sablay. Nagyayabang siyang sumapalampak sa upuan. “laos ka pala e…” “tsamba lang…” “hoooooh….e nanggigigil ka nga kanina e…”pang-aasar pa niya. “fine!”I yelled. “hey…angpikon mo naman..yan napapala mo sa pagsama kay Sachiko e…” I eyed her. kung makapagsalita naman tong babaeng to. I stood and crossed my armn infront of my chest,”kung ayaw mo ng libre de dito ka lang!!!!” Walk out lang ako e. nagpalit na ako ng sapatos.sumunod rin pala siya. “grabe ka pala! Angpikon mo…” “tsss…badtrip ako ngayon kaya huwag mo akong tatablahin.”masungit kong tugon sa kanya. bumaling ako kay kuya.”paabot nga nung bag ko….” “maam…nagagalit ka na naman..hindi ka makakahanap ng boyfriend niyan e…”ngiti niya. “kuya….hindi boyfriend ang hanap ko….GIRLFRIEND!!!”OO.dpat iemphasize..para kasing unli tong si kuya. Pagharap k okay rann at matama lang itong nakatingin sa akin.”what now?!” Umiling siya. “seriously???” Inirapan ko lang siya at lumabas. Pero epic yung ekspresyon ng mukha niya parang hindi makapaniwalang sinabi ko yun kanina. Pano ba naman kasi yung si kuya may gusto sa akin yun e. kahit lang beses ko na siyang nafi-friendzone. “hey wait up…”napatigil ako at nilingon siya.”may utang ka pa sa akin diba?” Tsss.. kahit papano hindi pa rin nawawala yung pagiging matakaw ni rann. take each chance astin. sabi ko sa sarili ko.”where do you wanna eat?” “at home…” “huh??” “ipagluto mo na lang ako…”she requested. “hindi ako magaling magluto. Pwedeng mag-take out na lang tayo?” “e gusto ko ipagluto ako e..namimiss ko na kasi yung pinagluluto ako ni rai..” SHOOT! Bumusina ka naman rann. angsakit nung ah. I saw sadness in her face. “sige na? ipagluto mo ako….” Pwede bang pass na lang?baka ikumpara lang niya kay Rai yung luto ko mas masaktan pa ako. tsk.”hindi nga ako marunong magluto…” “pero natalo ka!” Halla.kailangang sumigaw? Grabe naman to. Nanatili lang siyang nakatayo at nagpapaawa na naman ng tingin. “game…pero sa isang kondisyon…” “ano?ikaw na nga yung natalo ikaw pa ang hihingi ng kondisyon…” “isama natin si Sachiko…magpapatulong ako sa kanyang magluto…” Bigla namang nagbago yung ekspreyson ng mukha niya. parang may galit na. she grabbed my left wrist. San ba natutong magpakagago to at hinila-hila lang ako. “ano ba?san tayo pupunta?” Binitawan niya ako pero dere-deretso lang maglakad. May choice akong hindi siya sundan pero anong magagawa ko?mahal ko tong amnesia girl ko. hayun tumigil rin sa tapat ng McDo. Adik lang e. pero napangiti lang ako. hindi naman sa mall na to kami nagkakilala pero basta napapadaan ako sa isang branch ng McDo bibili at bibili ako kahit float lang. “dito na lang tayo kakain..”naupo siya sa malapit sa aircon.”ikaw pumila..” So utosera na rin siya ngayon? ganun b aka-OA ang culture change sa kanya? “anong gusto mo?” “kahit ano…”tipid niyang tugon at tumingin sa labas. Aba. Punong-puno ng pag-iinarte lang e? tsss. “oh..bantyan mo yan.”nilapag ko yung bag ko sa mesa. “and don’t dare see what’s inside.” Saka ako pumila. Chicken meal lang ang inorder ko. bigfries at floats. Pagbalik ko sa table ay hayun hinahalungkat na niya yung bag ko. “kasasabi ko lang na huwag mong papakialaman e!”saway ko sa kanya sabay lapag ko ng order namin. ‘e sorry…may hinahanap kasi ako…” Puppy eyes lang rann? pero nangingiti ako isip ko. all this time iniisip kong nagbago na siya pero unconsciously ginagawa niya yung mga bagay na nakagawian niya noon. Hinalungkat ko na rin yung bag ko. “oh yan…”inabot ko yung alcohol sa kanya. “pano mo alam na ito ang hinahanap ko?” “basta lang…”Hindi yan makakakain nang hindi nag-aalcohol. Tamad na kasing magpunta sa cr para maghugas. Automatic na maghahanap ng alcohol sa bag ng kahit sinong kasama niya. “salamat…”saka lang niya napansin yung mga inorder ko.”may kulang e…”tatayo sana siya. “may number oh?? atat lang? 15 minutes pa raw yung float…” Ngumiti siya.”matagal na tayong magkaibigan? Parang kilalang-kilala mo na ako e…”she casually asked. “oo…”tugon ko lang. kung pwede lang sabihin OO MATAGAL. AT MAHAL NA MAHAL KITA. pero hindi pwede e. kahit gustuhin ko baka mas gumulo pa ang isip nito. mas mabuti na yung ganito muna kami sana lang maalala niya na ako agad. miss ko na yung dating rann. yung mahal na mahal ko oh damn. ito na naman, “you have any problem?” “ah wala…pwedeng huwag ka nang mag-contact lens? May bagay mo yung salamin lang e…” “uh?sabi nila bagay ko ganito…” Hindi na nga ako umimik.pero kasi hindi ko lang gusto yung green na mga mata niya. “dagdag points sa mga girls to noh..”pagmamalaki pa niya. “e bakit si sachiko…hindi naman green ang mga mata pero maraming chics?”pananabla ko sa kanya. Natahimik ang komag. “kung tawagan ko na lang kaya siya tapos siya ilibre mo dito noh?” “bahala ka…”Ano yan?sibling rivalry lang? cousin rivalry? E de hamak kasing mas maganda si Sachiko sa kanya pero KAY AMNESIA GIRL KO PA RIN AKO TINATABLAN NG KILIG E. tsk tsk. She eyed me pero nilantakan naman niya yung pagkain sa harapan niya. “gutom ka lang?”Hayan. Wala nang imikan. Napikon na siya. kumain na nga lang rin ako. may mga tumatawag sa kanya pero kinacancel rin niya. “anong pagkakakilala mo sa akin noon?”bigla niyang natanong. “anong gusto mong unahin? Yung maganda o yung pangit?”biro ko sa kanya. “hmpf..huwag na nga lang…”saka niya itinuloy yung pagkain niya. Nagriring ulit yung phone niya.”sagutin mo kaya?” “just one of those women I met in the bar…” “ah ok….” Kung may jealous meter lang akong dala dito siguradong naka-maximum level na yun ngayon e. gusto ko na kayang kutusan tong kaharap ko. dumating na rin yung floats na inorder ko. para na naman siyang bata at tinanggal yung cover ng cup at inumpisahang kainin yung sundae. “ahy ubos agad…”she pouted. “gusto mo?”inalok ko yung sundae sa float ko. Nagningning ang mga mata niya.”can i????” Devil smile me.”NO….”saka ko naman kinutsara yung sundae at slowmotion ko pang isusubo. Pero yung kaharap kong may amnesa s***h pacute s***h maganda s***h na gwapo s***h na mahal ko nagpaawa effect na naman. adik to. Tinatablan lang talaga ko e.”oh yan.sorry naman…”inilagay ko sa float niya yung sundae. “thank you astin….” o_O—me did I really heard her call me astin? “why???”tanong niya habang sinisipsip yung float. “uliting mo nga yung tawag mo sa akin?” “astin…diba astin ang pangalan mo?” “sinong nagsabi sayo?” “ewan..basta naisip ko lang. mali ba??”nag-aalangan niyang tanong niya. Umiling ako.”tama…”ngiti ko sa kanya.siya kaya yung nagbansag sa akin ng pangalan kong yun then yun na minsan tawag sa akin ng mga kaibigan ko. “kwento ka pa tungkol sa pagkakaibigan natin…” So I did. kinwento ko lang yung mga times na natakambay kami with aryana, jaymee at JL. pati yung mga ginawa niya nung hirap akong magmove on kay PJ. Panay lang ang tango niya. “makulit ba ako?” “medyo…kumakain ka more that your tummy can handle…” “ahy….”bigla naman siyang nalungkot.”pero mabait naman ako?” “konti rin…” “lagi na lang konti? Naging masama akong kaibigan sayo?” Umiling ako.”you’re a good friend…ako yung naging masama sayo…” “talaga?paano?” “basta..huwag na nating pag-usapan…” “eee dapat sabihin mo…” “huwag na kasi…nakakahiya lang..”Inipon ko yung natitirang kanin sa styro niya.”ubusin mo yan oh…” TAKEO’s pov I really don’t get it. Gusto kong ipagluto niya ako pero nung sinabi niyang kailangan pa niya si Sachiko para turuan siyang magluto kinaladkad ko siya dito sa mcdo. Weird lang. Iniwan niya yung bag niya at sinabihan akong huwag kong papakialaman pero kasi kailangan ko ng alcohol baka may dala siya. akala ko magagalit siya pero parang ineexpect na niyang gagawin ko yun/ which made me conclude na baka matagal na kaming magkaibigan. I really don’t remember her name pero it just came into my mind to call her astin. ngumiti siya. tama yung hula ko. ^_^v .”you’re a good friend…ako yung naging masama sayo…” may bahid ng lungkot ang mga mata niya. naging masama siya sa akin? “talaga?paano?” “basta..huwag na nating pag-usapan…” “eee dapat sabihin mo…” “huwag na kasi…nakakahiya lang..”Inipon niya ang natitirang kanin sa styro ko.”ubusin mo yan oh…” Saka na rin niya itinuloy ang pagkain niya. parang marami siyang alam tungkol sa akin. baka mas makikilala ko pa ang sarili ko kung mas madalas ko siyang makasama. “uhm…diba sabi mo naging masama ka sa akin?” “oo…”she weakly answered. “paano ka makakabawi niyan?” “huh?” “paano ka nga makakabawi kung naging masama ka sa akin noon?” “ewan ko…” Sandali akong nag-isip. Hindi nga rin ako makakaisip ng paraan kung paano siya makakabawi ei. isip isip isip lang. “ah…alam ko na….” “what?” “tulungan mo ako sa pag-aayos ng mga gamit sa bahay ko…isang buwan mahigit na kasi ako dito hindi ko pa naayos yung mga gamit ko e…”pagpapaliwanag ko naman. “hindi ako marunong sa interior designing” “kahit na..nang makabawi-bawi ka naman sa kasamaan mo sa akin no…” Sasagot pa sana siya pero nagring ang phone niya. text lang yata yun. “hinahanap ka ni Sachiko sa akin…”pinakita nya yung phone niya. “tell her im on duty…”devil smile on my mind. “duty? As in nambababae?” “paano mo alam???”bulalas ko. “basta alam ko lang…”she smiled.”so ano? Sa akin ka dumuduty ha?”dagdag niya sabay ngisi. Pakiramdam ko nag-init ang mga pisngi ko. damn. ngayon lang to ah. I never felt this embarrassed for a long time. “and hell you’re blushing….”pansin niya sa akin. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at tinakpan ang mukha pisngi ko. “don’t stare at me you….” “me what?”taas niya ng kilay niya. “nothing..just don’t stare!”napasigaw na ako kasi hindi niya ako tinitigilan sa kakatitig niya at kakaasar sa pamumula ako. Natatawa naman siya at naawa na yata dahil ibinaling na lang sa pagkain ang pansin niya. what’s with this woman at hindi ako makatagal sa mga titig niya. hell. Ang-init ng pisngi ko. “hang out muna tayo?”yaya ko sa kanya. Pumayag naman siya. samahan ko daw siyagn magshopping. TT_TT I hate doing this. Yung maglilibot ng pagkatagal-tagal tapos sukat dito, sukat diyan pero hindi makakapagdecide. Pero heto ako…bitbit ang mga napamili niyang bags of pants and blouses. “ok na ba to?”pinakita niya yung shoes na sinukat niya. yellow and black.”bagay to pag nagshorts ako.” “nope…at hindi ka magshoshorts…” O_O---she “sorry…” Ngumiti lang siya at binalik yung shoes sa display rack. “grabe lang..sarap mong kasama..sa sampung pares na pinakita ko lahat ayaw mo” “sorry na nga….yung gray doll shoes ang kunin mo bagay sa skinny jeans… pero don’t wear shorts..madali kang katihin e…” “god!!!”napahawak siya sa bibig niya. “ano na naman??” Bigla siyang lumapit at niyakap ako. higpit lang ng yakap. Pero yung pakiramdam na parang madalas niya akong niyayayakap. Napuno ng katanungan ang isip ko sa ganitong pagkakataon. Kaibigan ko lang ba talaga siya dati? Bakit ganito yung pakiramdam. I just found myself hugging her back. WHAT I AM DOING NOW MAY BE WRONG…but it really feels so right…it felt so light that I forgot all my worries. Yung mga frustrations ko dati na gusto kong maalala ang nakaraan ko ay panandaliang nawala. ---  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD