Rachel’s POV NGAYONG gabi ay natuloy rin ang planong pamamanhikan nina Amiel sa amin. Naroon si Nanay Lucing, Mama, Ate Ibeng at iba ko pang mga pinsan sa malaking bahay ni Nanay Lucing. At siyempre, ang tunay na bida sa lahat. Si Calla. Ang pamilya naman ni Amiel ay kumpleto rin. Naroon ang Mama at Papa niya maging ang Ate niya at nakababatang kapatid na babae. Pangalawa si Amiel sa kanilang magkakapatid at nag-iisa ring lalaki. Pagkarating nila sa bahay namin ay agad yumakap si Tita Pinky kay mama. “Nalipay ko nga nagkakita ta ug balik Mads,” ani Tita Pinky kay mama. Aniya, masaya raw siya na nagkita silang muli. Bumaling ito sa aming dalawa ni Amiel. “Ug labaw nalipay ko kay nagkabalik ang atua mga anak.” At masaya raw siya dahil nagkabalikan kami ni Amiel. Napakaraming dalang pa

