Rachel’s POV “MAGPAHINGA ka na muna, uuwi muna ako sa amin.” Sumang-ayon ako kay Amiel sa pagpapaalam niya. Pero kailangan kong pumasok sa work. Hindi pwedeng magpahinga. Hindi ko na lamang ito binanggit dahil baka hindi ako payagan nito. Knowing him, masyado siyang nang-i-spoil. Bago siya umalis ay hinaplos niya ang pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing gagawin niya iyon ay naiilang ako at tumatayo ang mga balahibo ko. “Mommy, is he my Dad now?” Ikinagulat ko ang biglang pagsasalita ni Calla mula sa likuran ko at agad ko siyang nilingon. Hindi ko inaasahan na gising na siya sa mga oras na ito. Alas singko pa lang ng umaga. “Anak.” Nilapitan ko siya at niyakap. Pagkatapos ay hinaplos sa mukha. “Siya si Tito Amiel mo. Okay lang ba sa iyo kung magiging daddy mo siya?” Kumurap-k

