Rachel’s POV. MARAMI nang nangyari. Pinipilit ko na lang magpakatatag sa ngayon. Kung mahina ako baka nagka nervous breakdown ako. Buti na lang, pinagtibay na ng panahon ang utak ko. Nasa isang exclusive beach resort kami ni Cali ngayon in a sense, na ipinasara niya ang resort para sa aming dalawa lang, nagbayad siya ng malaking halaga para rito. Bago kami nagpunta rito ay dumaan muna kami sa isang department store. Nanatili lamang kami sa sasakyan at may inutusan lamang si Cali na isang babae para bumili ng damit at underwear para sa akin. Medyo marami ang pinabili ni Cali. Sasapat para sa dalawang linggong gamitan. At ang mamahal pa! “Just tell me if you need something, nasa sala lang ako,” aniya habang nakadungaw mula sa pinto ng kwarto. Parang isang bahay na may sala, kusina at kw

