Rachel’s POV I felt devastated. Noong mawala si Calla ng isang araw, wala akong magawa kundi matulala na lang sa isang sulok na parang baliw. Hindi ako kumain, ni uminom ng tubig. Hindi rin ako natulog. Akala ko ay nakidnap na siya ng masasamang loob. But only to find out that she was just with Cali all through the night. Masamang-masama ang loob ko sa ginawa niya. Sa pagkuha niya nang walang paalam kay Calla. Parang domino na nagbagsakan lahat ng pangyayari. Hindi maalis sa isipan ko na nalaman na ni Cali ang katotohanan. Kinuha niya si Calla para gumanti sa pagtatago ko ng totoo. Sasabihin ko naman talaga at naghahanap lang ako ng tiyempo. Kaso ay naunahan niya ako. At para bang gumanti pa siya sa akin dahil kinuha nga niya si Cala without my consent. Papunta na nga ako sa pagkabaliw

