CHAPTER 22

1105 Words
Rachel’s POV GRABE ang sakit ng ulo ko. Parang inuntog sa pader. Pagkamulat ko pa ng mga mata ay parang umiikot ang paningin ko. Tinamaan pala ako sa nainom ko kagabi? Eh kaunti lang naman iyon. Bumugad sa akin ang mukha ni mama na nakataas ang kilay at nakahalukipkip. “Ma, bakit?” nanghihina kong tanong. “Unsa may nasulod sa imong utok nga nag inom-inom man ka? Dili man ka ingon ana sauna!” Sabi ni mama, ano raw ba ang pumasok sa isip ko at uminom ako kagabi. Hindi naman daw ako ganoon dati. “Unya paminaw ra! Laki pajud ang naghatod nimo diri-a! Perting hubuga jud nimo day wala na gyud ka kabantay kinsay nagdala nimo diri!” Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni mama. “H-ha? Pagsure ma ba?” Sabi niya ay isang lalaki raw ang naghatid sa akin dito sa bahay kagabi. At sobrang lasing daw ako kaya hindi ko na namalayan kung sino ang nagdala sa’kin pauwi. “Unya, guwapo rabang lakiha nak, but-an pajud ug sa ako paminaw datu jud to siya kaayo, kinsa pud kaha to no? Imoha tong uyab?” Nag-iba ang ihip ng hangin ni Mama. Sinasabi niya ngayon na gwapo raw ang lalaking iyon at mukhang mayaman. “Wala koy uyab tawn ma!” pagde-deny ko na wala akong jowa. Kasi wala naman talaga. At shems! Wala talaga kasi akong matandaan. Sino ba ang talipandas na iyon? Ni hindi ko nga sure kung maayos ba akong dinala rito o baka naman nilapastangan ako. Hays. Pinukpok ko ang ulo ko. “Haskang bugua jud nako uy!” Ang bobo ko naman. Bakit ako uminom? Napadaan lang naman ako ng bar kasi hindi pa ako nakakapunta doon. At sige naman, kalahati ng utak ko ay guilty dahil ginusto ko nga talagang magwalwal dahil sa sakit ng puso ko. At narealize kong wala ngang magandang maidudulot ito. “Makaila ra ka ato nak, gi-invite man to nako sa birthday sa imong lola.” Ay talaga naman, inimbita pa? Wow ha! “Ma naman! Bakit mo inimbita? Hindi mo nga kilala iyon eh. Paano kung magnanakaw iyon?” “Hindi nga, mabait nga iyon. Eh di sana hindi ka binalik rito kung salbahe iyon. Malamang yung kidney mo binenta na.” Nag-ikot na lamang ako ng mga mata. Ngayonng araw ang birthday ni Lola kaya inabala ko na lamang ang sarili sa pag-aayos ng mga kakailanganin. Masakit pa nga ang ulo ko kahit pinainom ako ng gamot ni mama at mainit na sabaw. Habang nasa kusina kami ay tinanong ko na lang si Anja kung sino ba iyong lalaking nagdala sa akin pauwi. Baka-sakaling kilala niya. “Hindi ko alam, tulog na ako no’n.” Napakamot ako ng ulo at pinagpatuloy namin ang pagprepare. Mayamaya pa ay nagsidatingan na ang mga pinsan at titas and titos ko. Nag-iisang anak man ako ay malaki pa rin ang angkan namin. Sinabihan ko pa si Anja na huwag ma kut of place o mahiya dahil pamilya na rin ang turing ko sa kanya. 3:00 P.M na nang magsimula ang Party. Nakaupo si Lola Lucing sa kanyang chair na mukhang trono ng kaharian. Lahat ng apo at mga anak ni Lola ay naroon. Talagang nag-book pa ng flight si Ate Gracia para lang hindi ma miss ang 80th birthday ni Lola nanay Lucing. Nagsimula ang kainan matapos naming kumanta ng Happy birthday. Masayang salu-salo lamang ang nagaganap ngunit nabulabog kami nang may biglang dumating na nakakotse at pumarada sa labas ng bahay namin. Ang gara ng sasakyan. Audi. Agaw pansin talaga ito mula sa mga kamag-anak ko. “Ay andiyan na!” masiglang sabi ni mama saka sinalubong ang kung sinumang nasa sasakyan. Napaawang ang bibig ko sa sandaling lumabas na ang may ari ng sasakyan na iyon. “Si Cali Alonzo?” Nabitawan ko ang kung anong hawak ko sa kamay. Siya ba yung sinasabi ni mama na gwapong lalaki? “Maayong udto ninyong tanan.” Good noon daw aniya. “Oh, dali dayon, sulod sulod!” Sabi naman ng magaling kong mama, pumasokndaw siya. Lumakad ito na parang modelo papunta sa loob ng bahay namin. Nakasuot ng puting polo shirt at naka fitted gray slack pants and black shiny shoes. Naks, disente pa rin. May dala itong boquet of flowers at isang malaking box ng regalo. Agad itong lumapit kay Lola at ibinigay ang boquet at regalo nito. “Happy birthday po lola.” “Uy, Salamat.” Tuwang-tuwa si Nanay Lucing na para bang naka jackpot s amalaking box ng regalo niya. Hindi ito nagulat sa pagdating ni Mr. Alonzo, sa tingin ko ay nakilala na rin niya ito noong hinatid ako nito dito sa bahay. “Ante Marietta! Kinsa man na?” Narinig ko pang nangtanong ang isang pinsan kong si Georgia, ang Marites ng pamilya. Tinatanong niya kung sino raw ang lalaking iyon. Hays, sigurado akong ako na naman ang tampulan ng tukso ngayon ng mga pinsan at mga tiyahin at tiyuhin ko. “Ay, kuan amigo man kini ni Achi!” sagot ng mama ko. Kaibigan pa nga. Hmp. “Oh siya sige, kumain na tayo. Kumuha na kayo ng plato doon,” sabi ni mama at nagsipag-sunod naman silang lahat. Masayang nagsalu-salo ang buong angkan ko. Mas higit ding masaya si Nanay Lucing, dahil nagkatipon ang lahat ng mga apo niya. “Ms. R, tingnan mo si Mr. Alonzo, kalog din pala!” puna ni Anja na tawang-tawa sa ginagawa ni Mr. Alonzo na bumabato ng kung anu-anong jokes at bentang benta naman sa buong angkan ko. Si Mama, mukhang tuwang-tuwa na kausap si Mr. Alonzo. Feeling ko ay umaasa siya na may something kaming dalawa. Ano naman kaya ang sinabi ng lalaking ‘to sa mama ko? All this time, hiniling lang ni mama at ng buong pamilya ko na maging masaya na ako. Ang maka move on na ako sa sakit na idinulot ng pag-iwan sa akin ni Amiel sa ere. Dahil hindi naging biro ang pinagdaanan ko, para akong nalugmok sa putikan at hindi ko alam kung paano babangon muli. At kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin maibalik ang dating ngiti at kulay na mayroon ako. Kaya laging hinihiling ni mama na sana ay may dumating muli na magpapasaya sa akin. Pero ayaw ko namang isipin nila na si Mr. Alonzo ang taong iyon. Ikakasal na siya, kaya mali na mahulog ako sa kaniya. Maling-mali, at hindi pwede. Gusto ko sanang itama ang maling akala nila, kaya lang ay ayaw ko naman na masira ang party ni Nanay. Hinayaan ko na lamang silang maging masaya at mag-enjoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD