Rachel’s POV
Tatlong araw ang lumipas simula no’ng na stranded kami sa isang isla ni Mr. Alonzo. Wala akong balita tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung maayos na ba siya mula no’ng nawalan siya ng malay no’ng huli ko siyang nakita.
I feel guilty. Ako naman kasi dapat ang tatamaan ng kahoy na iyon, pero nagawa niyang harangin iyon para sa akin.
Napaka selfless niyang tao. Kahit sandali ko lang siyang nakasama ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala siya ng kaunti. Hindi siya yung tipikal na anak mayaman na arogante at spoiled.
Maybe, his Mom must be proud of him. Because he raised a good man like Mr. Alonzo.
Shems! Puring-puri girl ah. Tama na baka ma fall ka. May nagmamay-ari na diyan. Sabi ng mapang-asar kong sarili.
Lagi kong tinatanong sa mga staff ko kung may update ba sa wedding plans nila. Baka nga mahalata na ako nina Anja na gusto ko lang talaga maki tsismis sa kalagayan ni Mr. Alonzo.
Noong araw na iyon ay dumeretso ako sa Maynila. Hindi ko sinabi kina Mama ang nangyari dahil baka mag-alala sila doon.
Pinagpatuloy ko lang ang trabaho ko na parang walang nangyari.
Legit yung takot. Yung feeling na baka hindi na kami makaalis sa isla na iyon.
At simula noon, hindi na nawala sa isip ko si Mr. Alonzo
Ayos lang kaya siya? Gumaling na ba yung sugat niya sa noo? Bakit hindi sila nag update patungkol sa kasal nila?
Bakit...
Bakit....
Yung nahihiya akong sabihin na bakit di siya nagparamdam? Bakit ano ba kami?
“Kumontak na si Mr. Alonzo,” untag sa akin ni Anja pagkapasok sa opisina ko.
“Huh?”
Iyon ang nasabi ko. Tulaley pa rin ang beauty ko na nakatingin kay Anja.
“Ah. Ang sabi ko po Ms. R, may update na si Mr. Alonzo para sa wedding plans nila.”
Napabalikwas ako sa kinauupuan at agad lumapit kay Anja at nakiusyoso sa cellphone niya.
“Required po ba mataranta Ms. R?”
Napatingin ako sa kanya at inirapan siya. Kaya napatakip siya ng bibig.
Tiningnan ko uli ang email.
Hi. Good day, This is Ms. Karen, from CEO's office of the Alonzo Prime Holdings. We would like to inform you that we will be meeting you today at 3P.M. If you are available please respond to this e-mail. Thank you.
Akala ko pa naman si Mr. Alonzo talaga ang nag message. Iyong sekretarya niya pala.
“Parang na disappoint kayo ah.”
Nambabara na naman si Anja sa’kin.
Masyado na ba akong halata?
“Alam mo Anj, issue ka! Replyan mo na nga iyan. Sabihin mo available tayo ng 3p.m.”
“Okay po. Pero by the way, alam niyo na po ba yung tungkol sa change of schedule ng kasal nila?”
Kumunot ang noo ko. “Change of schedule? Hindi ko alam iyan ah?”
Wala namang nabanggit sa akin si Mr. Alonzo no’ng na-stranded kami sa Island.
“Iyon ba ang dahilan kung bakit agad agad lumipad si Mr. Alonzo sa Cebu at isinama ako?” tanong ko kay Anja.
“I think yun na nga yun Ms. R,” pagkukumpirma ni Anja.
“Next week na nga daw sana.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Ano? Next week?”
Napahawak ako sa sintido. Next week means 2 days from now. Sabado ngayon at dalawang tulog na lang, lunes na.
“Bakit hindi niyo sinabi sa’kin?” may tonong naiinis na tanong ko.
“Akala ho kasi namin, hindi matutuloy at babalik sa original plan. Kaso ho, biglang ni confirm nung fiancee niya na tuloy daw yung plano na next week.”
“Oh yes! She said it right.”
Naputol ang sinasabi ni Anja nang biglang dumating ang Fiancee ni Mr. Alonzo na si Ms. Athena.
Lumakad siya palapit sa amin. Ni hindi nga namin namalayan ang pagpasok niya sa opisina na hindi man lang kumakatok.
Kusa siyang naupo sa chair na nasa harap ng table ko.
“Wow. Cozy office Ms. Rachel,” pagpuri niya sa opisina ko habang nag-iikot ng paningin.
Inayos ko ang tinding at sinikap kong maging Professional.
“Good morning Ms. Abellana, Welcome po sa aming office. By the way, how is Mr. Alonzo? Is he alright?” sinikap kong maging kaswal sa pagsasalita sa abot ng makakaya ko.
“Yeah. He is just resting, there was nothing serious about what happened to him the last time.”
She smiled.
I felt relieved. Kahit paano ay nalaman ko rin na maayos ang kalagayan niya.
“Ahm, pwede ko bang makita yung details ng Wedding plans namin? Hindi kasi ako masyadong updated dahil naging busy ako lately.”
“Oh, sure,” sagot ko na nakangiti. “Anj, pakikuha naman yung portfolio nina Mr. Alonzo please,” utos ko naman kay Anja.
Agad itong kinuha ni Anja at ipinakita sa kanya.
“So bale ito po yung sa Venue, ito pa lang po ang napagkasunduan. Then sa church,” Paliwanag ko habang pinapakita yung checklist ko.
Mukha siyang walang gana, base sa itsura niya ngayon. “Argh. Yeah. The church he chose and the venue.”
“Honestly, I don’t like it.”
Umaastang uma-attitude ngayon si Ms. Athena.
“How about the Catering and food? And the Photography?”
Ipinakita ko naman ang list ng suppliers namin, maging ang samples ng creations nila.
nakakunot ang noo niya ngayon habang tinitingnan ang list.
“These, aren’t even well-known...”
“Ma’am, they are already my trusted suppliers and—”
Marami na rin kayang mga bigating tao ang naging kliyente ko. At wala pa namang naging complains tungkol sa mga suppliers ko at sa mga na provide nilamg serbisyo.
Medyo komplikadong kausap itong si Ms. Athena, hindi ko rin ma gets minsan.
“Well, wala rin naman akong magagawa, kasi si Cali naman ang palaging nagde-decide. I’ve heard naman na magaling ka raw kaya, I expect that our wedding will be executed well.”
Tumayo na ito at akmang aalis na.
“Thank you Ms. Rachel. Hmm by the way, I forgot to tell you that we are going back to what was the original plan. But it’s no longer 2 months. Just a month, is that enough time for you to make our wedding grand?”
Kahit paano ay nakahinga naman ako nang waluwag
Hays salamat naman, at least one.month prep pa bago ang event.
Tuluyan na ngang nagpaalam si Ms. Athena.
I felt relieved that Mr. Alonzo is really okay.