Malalim ang isip na muli niyang tinahak ang daan patungo sa kanilang mansiyon. Imposibleng walang nalalaman ang ama ni Zeus sa pagkatao niya. Ano't ano pa man, natitiyak niyang ipinahanap rin ni Ernesto kung saan siya na nagmula. Siguristang masiyado ang matandang 'yon kaya naman natitiyak niyang may alam ito lalo pa't kanang kamay ito ng kaniyang ama-amahan. Narating niya ng 'di namalayan ang kanilang tahanan. Matapos i-grahe ang kan'yang kotse'y dumiretso na rin siya sa loob upang makapagpahinga. Madaling-araw na'y wala pa siyang tulog. Napatigil siya sa paghakbang nang mapatapat siya sa kuwarto ng mag-asawa, naririnig niya ang mga impit na paghikbi mula roon kaya naman marahan niyang binuksan ang pintuan ng kuwarto. Si Diana na nakaupo sa kama yakap ang sarili'y umiiyak sa 'di alam n

