Chapter 3

1077 Words
"Nakapagdesisyon ka na ba sa'king alok, Shawn?" tanong ni Ernesto sa binata na nakatayo sa kaniyang harapan. Ang blangko nitong mga mata ay hindi nagbago. "Paano kung tanggihan ko ang alok mo?" Napangisi si Ernesto sa naging sagot niya kasunod ang paghithit nito sa hawak na tabacco. Umangat siya sa pagkakaupo gamit ang kaniyang baston at muling sinulyapan ang anak-anakan. "Kung gayon, wala na akong ibang magagawa." l Lumakad ang ginoo patungo sa maliit na mesa ng kaniyang study room kasunod ang paghila pabukas sa sulong nito. May kinapa ito mula sa loob ng sulong at hindi na nagulat ang binata nang ilabas nito ang isang baril kasunod ang pagkasa ng matanda sa bagay na 'yon. Itinutok nito sa kaniya ang baril ngunit hindi nabago ang kaniyang ekspresyon. Sinanay na siya nito na matunghayan ang iba't-ibang uri ng pagpatay kaya paano pa siya makararamdam ng takot? "Sa tingin ko ay wala ka ng halaga. Nararapat lamang na ibaon na kita sa lupa..." Sa kabilang banda, alam niya ang kayang gawin ng ama-amahan. Alam niya sa sarili na hindi ito nagbibiro. Ngunit mas gugustuhin pa n'yang mamatay kaysa mamuno sa isang samahan na puno ng karahasan at kasamaan. "...kasama ang iyong ina na si Diana. Pareho kayong walang silbi. Ang buong akala ko ay ikaw ang mag-aahon sa akin sa kahihiyang dulot ni Diana sapagkat hindi siya makabuo ng anak ngunit isa ka rin palang salot na dadagdag sa buhay ko." Naikuyom niya ang sariling mga kamao nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang ina. Hindi siya makapapayag na maging ito ay saktan ng kaniyang ama-amahan. "Sa huling pagkakataon ay papipiliin kita. Ang posisyon na ikaw rin naman ang makikinabang? O ang buhay ng 'yong ina-inahan?" Ngumisi itong muli na parang nagpapahayag ng pagkapanalo. Sa pagkakataong ito, batid na nito ang kaniyang kahinaan. "Sabihin mo kung ano ang nararapat kong gawin. H'wag ka lang magkakamaling gawan ng masama ang babaeng 'yon," mariin na usal niya. Humagalpak naman ang ginoo kasunod ang pagbaba nito sa baril na hawak. Ibinalik nito ang nakamamatay na sandata sa sulong bago humarap sa kaniya. "Yan ang gusto ko sa aking anak! Magaling pumili ng desisyon." Tinapik-tapik pa nito ang kaniyang balikat na lalo namang nagpataas sa kaniyang galit. Wala na siyang magagawa kung 'di ang aralin ang bagong mundo na kaniyang papasukin at iwan ang pangarap na maging isang pulis. Kinabukasan, isinama siya ni Ernesto kung saan naroon ang mga ibang kalalakihan na nagtutunggali ng lakas. Nasa mga mukha nito ang kagustuhang manalo at tanghaling pinakamalakas. "Bakit hindi mo subukan? Sa gayon ay malaman ko kung tama ba ang desisyon kong buhayin ka at ipasa sa'yo ang aking trono?" nanunudyong saad ng kaniyang ama. Saktong napatingin naman sa kaniya ang lalaking kapapanalo pa lamang sa pakikipagtunggaling naganap. "Iyan na ba ang napili mong tagapagmana, Don Ernesto? Hindi ba lampa 'yan? Puwede mo pang baguhin ang iyong desisyon at sa akin ipasa ang tronong iyong iiwanan." Nakalolokong ngisi ang ibinungad sa kanilang dalawa ng lalaki kasalukuyan nakatayo sa gitna ng boxing ring. Mayroon itong malaking katawan kumpara sa kaniya kung kaya't hindi ito nahirapan sa pagpapatumba sa mga kalaban. "H'wag mong minamaliit ang aking anak, Toper. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin," may pagmamalaki namang saad ng ginoo sa lalaki. "Tulad ng ano, Don? Maliban sa kaya niyang makicked-out sa iba't-ibang paaralan?" nang-uuyam nitong patutsada sa kaniyang ama na hindi niya ikinatuwa. Kahit na ganoon si Ernesto ay hindi naman ito naging masama sa kaniya kung kaya't kabastusan para sa kaniya ang pinagsasabi nito sa kaniyang ama-amahan. Alam niyang insulto 'yon sa ginoo na siyang dahilan kung bakit nananatili siyang buhay. Mabilis niyang inakyat ang ring kasunod ang pagtanggal niya sa suot niyang kulay abo na t-shirt. Nakangising tinanaw siya ng kaniyang ama at siya naman ay unti-unting lumapit sa lalaking nanalo sa pakikipagtunggali. "Ang lakas ng loob mo na sumampa rito sa lugar kung saan ako ang hari," tumatawa nitong saad ngunit hindi niya 'yon inintindi bagkos ay isang malakas na suntok ang iginawad niya sa malaki nitong ilong. "Hoooooooooooo!" sigawan ng mga nakapalibot na kalalakihang naroon nang matagumpay niyang mapatulo ang dugo sa ilong nito. Nanlilisik ang mga matang pumihit naman ito ng tingin sa kaniya. "Tarantado ka!" Lumipad ang kamay nito ngunit mabilis niya nailihis sa taliwas na direksyon ang kaniyang ulo kung kaya't nabigo itong tamaan siya. Isang malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay niya rito na naging dahilan para napadaing ito sa sakit sapo ang sariling sikmura. "Hooooo! Wala ka pala Toper!" nagtatawanan na tudyo ng mga kalalakihan sa mayabang na lalaki. Nang hindi ito kumibo sa pagkakayuko ay tumalikod si Shawn at pinulot ang damit na hinubad sa sahig ng boxing ring ngunit sa isang iglap, isang malakas na pagtulak mula sa likuran ang kaniyang natanggap. Napasalya s'ya sa lubid ng boxing ring. Mabilis siyang pumihit paharap ngunit ang malalaking braso nito ang sumalubong sa kaniya. Ginamit nito ang mga 'yon upang sakalin s'ya. Unti-unting sumikip ang daloy ng hangin mula sa kaniyang ilong at nagsimulang mahirapan sa paghinga. "Ako ang nararapat sa trono at hindi ikaw," mariing saad ni Toper. Ngunit sa kabila ng paghihirap, ngumisi si Shawn nang tagilid rito na lalong ikinasuya ng kaniyang katunggali. Sa isang kisap ng mga mata ay naging baliktad ang kanilang posisyon kasunod ang pagpatid niya sa mga binti nito na naging dahilan ng pagbagsak ng malaking lalaki. Agad niya itong kinubabawan at pinaliguan ng maraming suntok hanggang sa magkawasak-wasak ang mukha ng lalaki. "That's enough!" sigaw ng kaniyang ama na nagpatigil sa kaniya. Muli niyang tinignan ang lupaypay na kalaban. Hinawakan nito ang kuwelyo ng lalaki at bahagyang inilapit ang kaniyang bibig sa taynga nito. "Sana alam mo na ang ipinagkaiba ng hari sa naghahariharian," bulong niya kasunod ang pabagsak na pagbitaw niya sa leeg ng lalaki. Pinulot niyang muli ang kulay abo niyang t-shirt at mabilis na nilisan ang ring. "I'm so proud of you son," nakangising wika ng kaniyang ama-amahan bago umakbay sa kaniya. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ng binatilyo na nagpatianod kay Don Ernesto. Ipinakita ng Don sa kaniya ang kabuuan ng lugar kung saan naroon ang mga kalalakihang nakikipagtunggali. Mayroong nag-aaral bumaril, mayroong nag-aaral ng martial arts at mayroon ding abala sa pagsasalansan ng mga armas sa isang kahon na siya namang inaakyat sa malaking track na sa pagkakaalam niya ay dinadala pa sa ibang bansa. Marahas siyang humugot ng isang malalim na paghinga. Kailangan niyang aralin ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD