Chapter 7

1033 Words
"Naging maayos ba ang trabaho ni Shawn sa kaniyang unang araw?" tanong ni Ernesto sa kaharap na si Zeus. Kumuha siya ng tabacco bago sinindihan kasunod ang pagtungga nang matapang na alak na nakalagay sa kaniyang kulay gintong kopita. "Magaling ang ipinakita nang inyong anak. Sa unang araw niya'y pumatay siya ng tauhan sa grupo nina Toper ng dahil lang sa bitbit niyang bulaklaking lunchbox," seryosong kuwento ni Zeus ngunit hindi napigil ni Ernesto ang pagbunghalit nang kaniyang tawa taliwas sa ekspresyon ng kaniyang kaharap. "Dahil sa lunchbox?" pag-uulit niya, marahil ay mali lang siya ng narinig. "Tama ang inyong dinig, Senyor."  Naiiling na muling nagsalin ang ginoo ng alak sa kaniyang kopita sabay na senenyasan na umupo si Zeus upang daluhan siya sa kaniyang pag-inom, hindi naman 'yon tinanggihan nang lalaki. "Sa tingin mo ba'y kaya niyang pamunuan ng tama ang aking iiwanan na trono kung dahil lang sa ganoon kaliit na bagay ay papatay siya?" tanong ni Ernesto kay Zeus bago iniabot sa binata ang isa pang kopita na may laman na alak. "Hindi lang naman 'yon dahil sa lunchbox na kaniyang bitbit, Senyor. Binastos nang tauhan na 'yon ang inyong asawa dahilan para sumabog sa galit ang inyong anak," muling pagkukuwento ng binata bago tinungga ang alak na hawak. Takang napatingin ang ginoo sa lalaki. "Ang aking asawa?" muling napangisi ang Senyor. Mukhang ang babae nga ang kahinaan ni Shawn sapagkat ito rin ang ginamit niyang dahilan upang mapapayag ito sa kaniyang mga nais. "Sa palagay ko'y malaki ang pagpapahalaga niya kay Senyora Diana," ani Zeus. Napatango ang ginoo sapagkat hindi na 'yon lingid sa kaniyang kaalaman. Bata pa lang ay nakikitaan na niya si Shawn kung gaano nito kamahal si Diana. Lumayo lang ang loob nito sa babae ng mapag-alaman nitong isa lang siyang ampon. "Gusto rin niyang hanapin ang kaniyang tunay na mga magulang," kalmadong hayag ni Zeus. Nakaramdam siya ng pagkabahala sa sinabi nito. Iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyari, ang mahanap nito ang tunay na mga magulang at lisanin siyang mag-isa. Paano kung mahanap nito ang ina na umiwan sa kaniya dalawang dekada na ang nakalilipas? Sino na ang magtataguyod nang organisasyon na kay tagal niyang iningatan. "Gawin mo ang lahat upang malihis ang kaniyang paghahanap. Hindi niya maaaring matagpuan kung nasaan ang tunay niyang ina," mariin niyang utos kay Zeus. "Makakaasa ka Senyor. Nasayo ang aking katapatan," tugon naman nito. Hindi pa ito ang tamang panahon para hanapin niya ang kaniyang walang kuwentang ina na iniwan siya sa gitna ng ulan ng gabing 'yon. Hindi pa ito ang takdang oras. JACKSON'S MANSION Salubong ang mga kilay ni Shawn ng matanaw ang inang si Diana na nasa tuktok ng platform ladder habang abala sa pagsungkit nang mga agiw sa kisame. "Doesn't your brain really work properly anymore, woman?!" pumailanglang ang kaniyang baritonong tinig sa kabuuan ng salas. Nakangiting lumingon naman sa kaniya si Diana. "Nariyan kana pala, anak. Tatapusin ko lang ito saglit bago kita ipaghanda nang meryenda," muli nitong itinuon ang tingin sa ginagawa. Lalo lang lumalim ang guhit sa noo ng binata. Paano kung malaglag ito at mabalian?  "What are the f*****g maids doing here at home?!" pasigaw niyang wika bago yugyugin ang inaapakan nitong hagdan. "Shawn! Huwag mong galawin ang inaapakan ko!" tili nang babae. Nangangambang baka mahulog siya't saluhin nang matigas na sahig. Sa halip na tumigil ay lalong nilakasan ng galit na si Shawn ang ginagawang pagyugyog sa inaapakan niyang platform ladder hanggang sa tuluyan na nga siyang nawalan ng balanse at nakabitaw. Pikit-matang hinintay ni Diana ang pagbagsak nang kaniyang katawan sa matigas na semento ngunit tila hindi siya nahuhulog. Hanggang sa mapagtanto niyang dalawang malalaking braso ang sumalo sa kaniya mula sa pagkahulog. "I-Ibaba mo na ako!" utos niya sa anak na si Shawn. Tulad ng parati nitong ginagawa, umangat lang ang gilid ng labi nito at hindi pinakinggan ang kaniyang sinabi, sa halip ay lumakad ito patungo sa visitors area saka pabalibag na inihagis siya sa couche na naroon. "Wala kana bang magawa sa buhay mo? Paano kung mahulog ka mula roon, e 'di nalumpo ka?" hindi makapaniwalang bumangon si Diana sa sopa saka pumaywang sa harapan ng anak sabay dinuro sa mukha nito ang hawak niyang dust feather. "Hoy Shawn! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo? Hindi porke pinapabayaan kita na tratuhin mo akong ganiyan ay mamimihasa ka na?! Ako pa rin ang ina mo na nagpaligo sa'yo, nagpakain sa'yo, nagpalit nang diaper mo at nagpadede sa'yo kaya respetohin mo ako!" sermon nito sa anak.  Unti-unti, sumilay ang pilyong ngiti nito sa labi na para bang may nakakatawa sa kaniyang sinabi. "Puwede mo bang gawin ulit sa akin ang mga bagay na 'yon?" angat ang isang kilay nitong tanong.  "A-Ano?" nakangiwi niyang tanong dito.  "Puwede mo ba akong paliguan, pakainin, palitan ng damit at saka... padede-in?" sa halip na tugunin ay inis niyang sinugod ang binata saka hinampas nang kaniyang hawak na dust feather. "Talipandas ka talagang bata ka, 'yan ang natututunan mo sa kakasama mo sa'yong ama!" sigaw niya sabay hampas sa ulo nito. "Aw! Why did you do that?!" pikon naman nitong wika sabay huli sa dalawa niyang pulso para pigilan siya sa ginagawa. "Let me go!" pinandilatan niya si Shawn ngunit hindi ito kumibo. Nakatitig lang ito sa kaniyang muka. "Can you bathe me now, woman?" seryosong tanong nito sa ina. "Ano?! Matanda ka na Shawn! Hindi mo ako babysitter!" angil niya. Binitawan naman nito ang kaniyang kamay kasunod ang pagmasahe sa sariling batok. "Gusto kong maligo dahil pakiramdam ko'y nanlalagkit ako, but I'm f*****g tired. Napakaraming ipinagawa ni Ernesto sa akin," muli niyang pinandilatan ng mata ang anak. "Don't call your father like that!"  "What ever," walang gana naman nitong tugon bago tumalikod. Mukhang nagsasabi nga ito ng totoo na napagod siya sa maghapon kaya bago umakyat ng hagdanan ay muli niya itong tinawag. "Shawn," tamad itong tumingin. "What?" aniya. "Get your tub ready, I'll bathe you," sagot ko. Unti-unting nagkaroon nang sigla ang kanina'y walang gana nitong ekspresyon. Matagal-tagal na rin na hindi sila nakakapagbonding na mag-ina, marahil ay 'yon ang naging dahilan para malayo ang loob nila sa isa't isa kaya naman gagawa siya ng paraan upang makabawi kay Shawn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD