Danica's POV.... Kipit ang kumot ay bumangon ako sa higaan at sinulyapan si Azzerdon na nakahigang padapa sa kama. Tanghali na at kailangan ko pang pumunta sa MU dahil sa photo shoot na di matapos- tapos. Mabuti nalang at sabado yon walang pasok si Ace kaya okey lang ang late kong gising. Ibinalot kong maigi ang kumot sa hubad kong katawan saka hinanap ang slipper sa baba. Nag shower ako agad at ng lumabas ay naka roba na. Tulog pa rin ang asawa. Nilapitan ko ang kamang kinahihigaan nya at tinapik ito sa braso. "Azzerdon, late na ako sa photo shoot, sasama kaba?" Tanong ko sa asawa. Late na kase itong nakauwi kagabi galing sa villegas tower, sinipingan pa ako kahit pagod kaya tinanghali ito ng gising. "Hmmm" nakapikit na ungol lang ng asawa. "Azzer mauna nalang ako sa iyo, sumunod nal

