6

2110 Words
“I have no plan to tell this to Mom... yet.” Bulong ni Kuya Abel habang nanonood kami ng isang palabas sa netflix, umalis sandali si Tiya kaya naiwan kaming dalawa rito. “Okay Kuya, ikaw ang bahala.” Ngisi ko at muling nilantakan ang Nachos na inihanda nito kanina. Nakidukot nga rin siya at hindi talagang maiwasang magkaumpugan ang mga daliri namin. Pag ganoon, bahagya akong natitigilan ngunit iniisip ko na lang na hindi na ako pwedeng kiligin sa kanya. Malayo na iyon at napakaimposible na noon, kaya habang maaga pa, habang hindi pa ako nadudurog, kailangan ko nang pigilan itong nararamdaman ko. “I saw some dresses online and I thought that maybe they’re nice to you.” Bubulong-bulong na sabi nito. Natigilan ako at nangingiming tumitig sa akin. Mula noong umamin si Kuya Abel parang wala na siyang inhibisyon sa pagsasabi ng kung ano-ano sa akin. Minsan, kahit naririndi ako, ay nakikinig na lang kapag ginaganahan itong makipagkuwentuhan tungkol sa boyfriend nito. Nalaman ko ring madalas pala silang LDR dahil sa klasi ng trabaho ni Kuya Abel at sa trabaho rin noon. A businessman, madalas lumilipad sa kung saan-saan kaya minsanan lang daw magkita. “Kuya, hindi nga ako mahilig sa dress.” Ngiwi ko. Natatawa itong pinaalala na naman sa akin iyong date, Sumimangot ko, “Ginawa ko lang naman yon dahil sa’yo,” Sa halip na mailang ay mas lalo akong tinawanan nito. Hindi ko nga alam kung dala lang ba ito ng panunukso niya o talagang ganito lang siya makareact sa isang bagay na hindi niya naman talaga sineseryoso. E alam ko namang totoo itong nararamdaman ko sa kanya. “I’m glad we’re okay, Yz. Malapit na ang pasukan, malapit na rin akong babalik sa US. I can’t be at peace if we’re still not okay.” Nag-aalalang sabi nito at hinaplos ang noo ko noong nalalaglagan ng kaunting buhok. Ngumiti ako ng bahagya at tinutok na lang ulit ang mga mata sa telebisyon. Pagkahapon nga e umuwi na si Tiya, excited pa ito at sinabing... “Aalis tayo ngayong Linggo! Kinausap ko iyong driver ng mananabong diyan sa kabila at pumayag na parentahan iyong bago nilang Hilux, magbebeach tayo bago umuwi itong binata ko.” Akbay nito kay Kuya Abel na nakaupo sa sofa. Tumango ako, natuwa rin yata si Kuya Abel at kung ano-anong suhestyon ang pinagsasabi sa akin. Iyon pa ngang ang aga pa pero kaharap na kaagad namin itong cellphone ko at naghahanap ng bikini. Ayaw ko e pero mapilit, “I’m sure it’ll be sexy for you to wear,” kumento nito pagkaswipe noong picture na bumalandra kaagad ang isang 2 piece na crisscross sa bandang tiyan, kulay asul iyon na mabuti namang hindi pula. Ayaw ko nga ng ganoon. Masyadong manipis ng hibla ng bikini at talagang sa laki ng hinaharap ko e hindi kasya iyon sa pad niya. “Kuya naman! Hindi ako makakaligo ng ganoon.” Tinawanan lang ako at hindi na nagkomento pa. Ngumuso ako at tinitigan ang biglang pagkaoff noong cancellation sa ibaba. Wala na, okay... bahala na. Napapansin ko na napapadalas na rin ang pagdikit sa akin ni Kuya Abel. Di pwedeng wala ako kapag may lakad sila ni Tiya, o kaya kapag nandito lang naman kami sa bahay ay siya na itong buntot ng buntot sa akin. Paano ako makakamove on nito? Minsan nga nagugulat na lang ako kapag pumapasok siya sa silid ko at makikihiga, ewan ko ba! Takot ba siyang baka ibuking ko? Wala sa akin iyon, ayaw ko rin ng gulo. Bahala siya kung kailan niya sasabihin. Tapos ang hilig na nitong mangialam sa mga susuutin ko, iyon bang mas gusto kong nakajogging pants tapos papalitan niya ng maiiksing shorts. Iyon ngang isa sa mga kababata ko e sinisipulan ako roon sa kanto. Sinasamaan ko nga ng titig, baka akala niya... “Ready na ba ang lahat?” Tanong ni Tiya. Akala ko kami lang ang aalis, pero nagulat akong kasama iyong mga pinsan ni Kuya Abel. Na giliw na giliw sa kanya, alam niyo yong wala ng ginawa kundi interugahin ito at tanungin kung anong naging buhay nito sa US. Kahit ayaw kong makinig, talagang sa lakas ng boses nila e talagang malalaman ko talaga. Naaamaze ako kapag kinukwento nito kung anong mga pinagdaanan niya bilang US Army at kung paano na sa ilang ulit ay naging mahirap nga sa kanila na sumuong sa bakbakan lalo na roon sa Afghanistan o kaya sa Iraq. Di ko alam iyon! Kahit na hindi naman ako chismosa ay iginilid ko itong tenga ko at nakangusong nakatitig sa pakikipagkuwentuhan ni Kuya Abel. Bahagya itong lumingon kaya lumayo ako at nag-iinit ang pisnging umiwas. Saktong nakalingon pala dito si Randy, iyong pinsan niyang may piercing sa tenga at dila. “Ang ganda nitong ampon niyo, Kuya Abel.” Ngingising-ngisi na titig nito sa akin. Natigilan silang lahat, namimilog naman ang mga mata ko at nagpapasaklolong tumitig kay Tiya Flora na lumingon pa dito. “Oo, maganda talaga iyan. But please, don’t call her adopted. She’s already like my younger sister.” Naiinis na mahinang sabi ni Kuya Abel. Ako yata ang nahiya, wala naman sa akin iyon kung tawagin nila akong ampon. Dahil talagang ampon naman talaga ako. Kaya lang si Randy, mapang-asar din e. Napipilan ako sa mga sinasabi nito. Na kahit si Kuya Abel ay nagugulat na lang. “Para maalala ng lahat, ayaw kong isipin na kadugo natin si Yzle. No’n pa ay crush ko na iyan.” Nakatitig na sabi nito. Napaatras ako at pinangilabutan. Kung noon ‘to siguro pasimple rin akong mangingisi. Kaso iba na ngayon. “Randy...” saway ni Kuya Abel. “O bakit? Wala namang masama sa pagkacrush, Kuya ah? Ang ganda-ganda ni Yzle pagkatapos pipigilan mo’kong magkagusto sa kanya?” Mapaglarong ngisi pa nito. Namamanhid na ang pisngi ko sa sobrang kilabot. Pati katawan ko e iba na ang reaksyon ngayon. Grabi ang epekto sa akin ni Kuya Abel kaya ngayon na may hayagang nagsasabi na gusto niya ako ay wala ng excitement, kundi kaba na lang. “Randy... s-she’s still studying.” Reklamo ni Kuya Abel. Nakagat ko na lang ang labi at nilingon si Kuya Abel na nakatitig din pala sa akin. Iyong mga mata niya unusual sa mga klasi ng pagtitig niya sa akin noon. “O e ano? Di naman ako magiging magulo, Kuya... hahayaan ko iyang mag-aral. Saka na, saka ko na liligawan.” Parang baliw ‘tong dalawa, kung mag-usap ay parang wala ako roon. “Randy, let her...” naiinis na warning na nito. Natigilan si Randy at iiling-iling na tumitig na lang sa harapan. Biglang tumahimik ang paligid at si Tiya Flora nama’y nahuli kong nakatitig pa rin dito. Nakangisi na nakailing nga itong tumitig ulit sa harap. “You okay?” Bulong ni Kuya Abel, ramdam ko iyong hininga niyang tumama sa tenga ko. Nagsitindigan talaga ang balahibo ko at hindi kaagad nakasagot. Pinilit ko na lang sariling tumango. “Oo nga pala! May mga activities doon sa pupuntahin nating beach resort, Auntie Flora!” Putol ni Yumi, pinsan din ni Kuya Abel na may pagkasiksik o chubby, na sobrang puti nga. Tumahimik na ako at naiba na naman ang usapan. Sinasali naman nila ako pero madalas ay tahimik lang ako. Hindi naman sa binubully ako ng mga yan, in fact, tulad nina Tiya Flora ay mababait din ang mga kasama naming nandito. Sadyang ayaw ko lang makihalo dahil sa hiya, ayaw kong magtanong sila tungkol sa dalawang taon na pagtigil ko sa pag-aaral at sa mga ginawa ko noon. Iyong hilig ko sa pagboboyfriend at bisyo. “Kanina ka pa tahimik, you sure you’re okay? Dahil ba kay Randy?” Nakasukbit kay Kuya Abel ang mga gamit namin ni Tiya Flora. Nakapulupot itong tigasin niyang braso sa bewang ko. Naiilang ako noong una pero sa tuwing nagsasalita si Kuya Abel ay nakakalimutan ko itong nararamdaman ko. Sadyang mabait lang ito at parang kapatid na ang turing sa akin. “H-hindi, nahihiya lang ako Kuya.” “Sigurado ka?” “Oo nga!” Natatawang sabi ko at mas binilisan ang lakad para mahabol si Tiya Flora na chinecheck na itong cottage naming tatlo. Maganda ang interior ng cottage, may sariling mini balcony at mini sala. May lavatory din sa tapat ng bathroom. May dalawang higaan, iyong isa ay malapad. “Diyan kayo,” turo ni Tiya sa queen size bed. Nagulat ako noong inupuan na nito ang maliit. Akala ko silang dalawa ang magtatabi. “T-tiya, sure kayo?” Nangingiming tanong ko dito. Natatawa naman si Kuya Abel pagkatapos ay tinitigan lang ako ni Tiya Flora. Lumunok ako at naupo sa kabila, nilapag naman ni Kuya Abel ang mga gamit namin at excited yata si Tiya dahil pagkatapos lang ng ilang minuto ay nakalabas na iyong pusod niya tulad ng paglabas niya mula sa bathroom. Naka-one piece ito na kulay pula pa! Shock! Pucha... ang sexy pala ni Tiya. Natatawa na lang ako sa iniisip. “Tiya, baka makapag-asawa na kayo ulit niyan ah?” Nakangising sabi ko. Humalakhak si Kuya Abel, si Tiya ay sinamaan ako ng titig. Nagpeace sign na lang ako. “Ichecheck ko muna iyong mga bata, pati mga pagkain. Labas kayo kaagad.” Tumango ako, Pagkalabas nga ay inabot sa akin ni Kuya Abel iyong two piece na inorder namin online. Nagulat ako, akala ko kasi wala na iyon! “Susuotin ko?” Tumango ito, inirapan ko nga at tinawanan lang ako. “Para talaga kitang nakababatang kapatid, Yz,” Natigilan ako sa pagmamaldita. Pinaalala na naman! Ang saklap. Kaya nagbihis na ako at lumabas na iyon lang ang suot. Katatapos lang din pala magbihis ni Kuya Abel. Nakahawaiian itong kulay ocean blue na board shorts at puting t-shirt. Bumakat tuloy ang makisig nitong katawan. Titig na titig nga ako roon sa malapad niyang balikat at dibdib. Ang gwapo-gwapo nito tapos ang yummy pa ng katawan. Sinayang niya lang. “You’re done,” gising nito sa akin, pinasadahan talaga ako ng titig, “Tama nga ako, sexy ka diyan sa bikining yan.” Ngingising-ngisi na sabi nito. Sumimangot lang ako at naglakad para titigan ang sarili sa fully body size na mirror. At napakurap nang makitang hubog na hubog iyong pagitan ng dibdib ko at umaalpas pa ang ang side boob. Nag-init lang hindi pisngi pati bunbunan ko sa nakitang tanawin. Iyong balakang ko mas lalong lumapad titigan dahil kitang-kita sa napakanipis na bikini. “Hindi ko kaya ‘to,” iritableng baling ko sa kanya. Nagsusuot ako ng maiiksing shorts, nagpapahawak ako, nagpapahaplos... pero di yata kaya ng confidence ko ngayon ang ganitong kanipis na piraso. “They’re fine, Yz...” pigil nito sa akin. “Ayaw ko,” iling ko, nangalkal na ako sa loob ng dalang bag. Iyong dala ko na lang... “Please Yz? Ang ganda at sexy mo diyan. Why don’t you wear it for... me?” Malalim na sabi nito. Natigilan ako at namamanghang tumitig sa kanya? Para raw sa kanya? Para ano? Teka nga? Bakit kamo? Tumitig ako nang matagal sa kanya, iyon bang pilit ko siyang binabasa pero nakangiwi lang ito. Kumunot ang noo ko at unti-unting ibinababa ang mga mata. Sandaling natigilan ako noong matitigan ng matagal iyong tapat ng shorts niya, iyon bang bukol doon na nakikita ko naman noon. Pero ang nakakagulat, bakit diyata’t lumaki? Pati ulo ko ay lumaki sa gulantang. “Kuya?” Iyong mga inis na naipon ay unti-unting napalitan ng tuwa. Lumapit nga ako at umiwas siyang makipagtitigan sa akin. Sinapo ko iyong ibaba na parang sumalo lang ako ng santol. “Pucha! May epekto ako sa’yo, Kuya!” Natatawang saad ko, hinimas ko iyon pero pinigilan niya ako. “Stop, Yz... you aren’t doing any good.” Nahihiyang ngiti nito. “Tell me nga kuya, nagkagirlfriend ka ba noon?” Naeexcite na tanong ko dito, nakatingala pa ako. Matangkad din naman ako pero mas matangkad kasi si Kuya. “Nope, never.” Kagat ang labing pinigilan ko ang sariling sumimangot. “O kaya, ano... seks?” “Halik nga Yz, wala! Ikaw pa lang ang babaeng unang naging kahalikan ko.” Parang gustong tumilapon ng puso ko palabas sa pinaglalagyan nito. “First kiss mo’ko,” natatawang sabi ko, para akong baliw na tinatawanan lang ang sarili. “Oo,” iiling-iling na tawa nito. “At saka, nalilibugan ka sa akin.” Gagap ko kaagad sa bukol. “Tss,” inis na lumayo ito. Mas lalo akong natawa. “s**t! May pag-asa pa ako!!” Tuwang-tuwa ako, kulang na lang maghubad ako roon... baka sakaling siya na itong gumapang sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD