Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Senyorito Pancho mula kay Sabio na naroon na rin pala sa bintana nito, nakadungaw at naghihintay ng sandaling muling makasama ang iniibig. Bawat gabing lumipas, naghihintay siya kay Senyorito Pancho sa silid nito. Maraming mga gabi na bigo siya at naghintay sa wala. Ngunit nang gabing iyon ay hindi siya nabigo. Hindi niya inaashan ang pagpuslit ni Senyorito Pancho sa kaniyang silid. Sa bawat araw na magkasama silang dalawa, bagamat gustong gusto nilang damhin ang isa't isa ngunit naroon ang katotohanang hindi nila iyon magagawa sapagkat kailangan ang ibayong pag-iingat na hindi mabubunyag ang sikretong namamagitan sa kanila. Isang mahigpit na yakap ang isinukli ni Senyorito Pancho kay Sabio. Ang kanilang mga mata ay nakapikit wari bang dinarama

