Isang mainit na yakap at matamis na halik ang gumising kay Sabio sa sandaling iyon. Hindi man niya aaminin ngunit nanabik ang kaniyang puso sa ganoong tagpo sa kabila ng katotohanang nagtataksil ni Senyorito Pancho sa kaniya. Marahil ay mahal na mahal lang niya talaga ang lalaki kaya kahit na namuhi siya rito ngunit hindi niya maikakaila na nangangailangan siya sa kaluwalhatiang hatid ng pag-ibig ni Senyorito Pancho sa kaniya. "Mahal mo pa ba, ako?" ang nagsusumamong tanong ni Senyorito Pancho sa kaniya. Makikita sa mata nito ang tila kalungkutang dinadala sa loob ng dibdib nito. "Oo. Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi kita mahal, Senyorito Pancho?" mapait na tugon ni Sabio. "Kung gayon, huwag mo nang pahirapan pa nang husto ang mga sarili natin. Mahal kita, Sabio. Hinding hindi m

