"A-ano po?!" Bagamat klaro sa aking pandinig ang kaniyang sinabi ngunit gusto kong ulitin niya iyon nang sa gayon ay mapatunayan ko sa aking sarili na hindi lang guni-guni ko ang kaniyang inihayag. Humalukipkip muna siya bago muling nagwika, "Kailangan kita, Sabio." Bagamat kalmado, ngunit bakas sa baritonong tinig nito ang diin. "Anong kailangan mo sa akin, Senyorito?" pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil hanggang sa puntong ito wari bang nilalamon niya ng buo ang aking katauhan gamit lang ang madilim niyang mga mata. Gusto kong matapos na ang sandaling ito! "Wala akong kailangan sa iyo," tugon niya dahilan para mapakuyom ako sa aking kamao. Ibig niya bang sabihin ay ginagago lang niya ako? Anong kahangalan na naman ba ito? " Wala akong kailangan sa iyo, dahil ikaw mismo ang

