An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. "Maghubad ka na," biglang utos niya sa akin. "Po?" gulantang kong bulalas. Agad na nandilat ang aking mga mata dahil sa inuutos niya na iyon. Ano na namang ka saltikan ang nasa isip niya sa sandaling ito? "Hindi naman nakakabingi ang lambanog para mawalan ka ng iyong pandinig, Sabio," sabi niya. Gago! Hindi naman sa nabibingi ako at hindi ko narinig ang kaniyang sinabi ngunit sadyang nakakagulat iyon! Bakit na naman niya ako paghuhubarin? "Nahulog ka sa kabayo kagabi," ang wika niya. Iyon ba ang dahilan bakit nananakit ang likuran ko? "Hihilutin ko ang likod mo nang sa gayon ay mawala ang sakit." A

