SICK
SARAH POINT OF VIEW
Pauwi na kami sa bahay ngayon at katatapos lang ng buong klase namin. Medyo nakakainis na nakakatuwa ang first day of school namin at wag nyo na tanungin kung ano ang nakakainis dahil maiinis nanaman ako.
Pagkarating namin sa bahay ay bigla nalang dumiretso si Aez sa kwarto nya at hindi ko alam kung bakit.
Lagi naman syang ganan dumiretso kaagad sa kwarto nya at umaga na umaalis sa kwarto nya hindi ba sya nagugutom?ang wierd talaga nya. Isa syang misteryong lalaki sa buhay ko na hindi ko malutas lutas ng mag isa.
Sinubukan kong kumatok sa kwarto nya ngunit walang sumasagot. Tulog na ata kaya hindi ko na sya ginambala, ako rin ay pagod na pagod din ngunit nananaig ang gutom ko kaya nag luto ako ng dinner ko.
Habang kumakain ay may parang bumagsak sa kwarto ni Aez na para bang napakalaki ng bumagsak.
Kaya dali dali akong nagpunta sa kwarto nya at kumatok.
"Aez ayos kalang ba diyan?" Sigaw ko mula sa labas ng pintuan nya, ngunit walang sumagot ni isa.
Sinusubukan kong buksan ang pintuan nya ngunit nakalock ito kaya mas lalo akong kinabahan kung ano ang nangyari sakanya.
"AEZ! AYOS KALANG BA JAN?!" kinakalabog ko na ang pintuan nya ngunit wala paring sumasagot kaya pumunta ako sa basement namin upang kuhain ang susi ng kwartong iyon.
Nang nahanap ko na ang susi ay agad akong bumalik sa kwarto nya.
Nang bubuksan ko na sana ito ay bigla nyang binuksan kaya muntikan na ako mahulog at buti nalang ay nasalo nya ako.
Mukha syang naligo at gulo gulo pa ang buhok nya at AT NAKA TOWEL LANG SYA! WAHHHH! KITANG KITA ANG KANYANG MALA GREEK GOD , 8 PACK ABS!
Agad akong tumayo at lumayo sakanya, nakakahiya ka Sarah!
"Why are you here?" he said to me
"May narinig kasi akong kalabog sa kwarto mo kaya nag alala ako ano nangyari tapos hindi kapa nasagot tapos ngayon—" naputol kong sabi ng humalakhak sya kaya nainis ako, binibiro ata ako ng lalaking to eh noh?
"*chuckles, just nevermind" He said
"Ah—Eh yun naman pala eh, sorry naistorbo kita heheh" Sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.
AHHH! AYOKO NA, SUMUSOBRA KANA SARAH! Wag kanalang kasing makialam kung ano ang mga bagay na yun, yan tuloy may nakita ka.
Nagising nalang ako ng nag alarm ang cellphone ko.
Nakatulog pala ako, hayts.
Naalala ko ulit ang mga nangyari kagabi kaya bigla nalang akong namula.
Kalma sis, kalimutan mo na ang mga nangyari kagabi.
Nagsimula na akong maligo at ayusin ang sarili ko.
Unti Parin ang kilala ko sa school and i made friends naman kaso dalawa lang, pihikan kasi ako pumili ng kaibigan dahil hindi agad ako naniniwala sakanila becoz may nangyari na saakin na hanggang ngayon ay nasa ala ala ko parin. Na trauma ata si ante.
Nakarating na kami sa school and now, I am here lutang na lutang hindi ko maintindihan ang nilelesson namin, walang pumapasok kahit isa.
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya tiningnan ko sya.
Nakakunot ang noo nya habang nakatingin saakin, what's the problem?
Tinaasan ko sya ng kilay pero ngumisi lang sya bwisit, trip nitong taong to.
Sinubukan ko ulit na magfocus sa ni lelesson ni prof sa unahan ngunit wala talaga akong naintindihan.
Tatayo sana ako ng naramdaman ko ang kamay nya na nakakapit pala sa kamay ko.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at nag excuse ako kay prof na pumunta muna ng cr upang makahinga ng maluwag.
"What's the problem miss?" Sulpot ng isang babae sa harapan ko
"Mukhang may problema ka ah, I will listen" She said, how sweet but I don't have any problem lutang lang talaga ako ngayon.
"Nothing" Tipid kong salita. Sa totoo lang talaga may problema talaga ako eh.
May nakasalubong kasi ako kanina na pamilyar ang boses, mukha at ang postura nya na para bang malapit sya saakin pero hindi ko alam kung saan kami nag kita.
Ewan ko lang ba kung sya yun o hindi? bakit hindi nya ako nakilala? Pero sya kilala ko, hayst Sarah namamalikmata kalang ata o nag aassume kaparin na sana bumalik sya, wala na sya Sarah ,wala na okay?
*Sigh