CHAPTER 25

1444 Words
Kung kanina nang binuhat ako ni Reed ay sobra na ang hiya ko, paano pa kaya ngayon? Narito kami sa guestroom dahil sira ang kama ko at bukas pa mapapalitan ng bago. Halos itago ko ang mukha sa likod ni Reed nang sabihin nito sa mga katulong na nasira ang kama. Narinig ko din ang tawa ni Steve nang tawagan ito ni Reed para umorder ng kama. Ang business kasi nito ay furnitures. Sa kasamaang palad ay nalaman nito na nasira ang kama ko at hindi ko man sabihin ang dahilan ay may idea na ang maruming utak nun sigurado. Duda pa ako kung hindi iyon makakarating sa best friend ko. Patulog na kami ni Reed nang tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Wheng. Sabi na e! Binasa ko ang text niya at agad akong napasimangot doon. "dahan dahan naman Ali baka maubos ang bed furnitures ng fiance ko sa inyo, goodnight mwuah!" Tss. Ang daldal talaga ni Steve. "bakit?"tanong sa akin ni Reed paglabas nito ng banyo. "wala naman, inasar lang ako ni Wheng."ngumuso ako. Natawa ito sa sinabi ko. Tumabi ito at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "hayaan mo silang macurious kung gaano tayo ka wild.."pinalo ko 'to sa dibdib nang sabihin nito iyon. "hindi pwedeng laging ganon, may baby na.."namutla si Reed sa sinabi ko. "s**t!" Hinawakan nito ang tyan ko at hinimas. "baby sorry, nasaktan ka ba? Si mommy kasi inakit si daddy kaya hindi ako nakapagpigil ikaw ba naman pakitaan ng ganoon ito kasing mommy mo naghubad sa harapan ko tapos ang lagkit ng tingi--" "ano ba?!"hinampas ko na ito at tinulak. "hindi pa siya buo, dugo palang siya kaya hindi niya pa ramdam, at kung sakaling naririnig ka niya magtigil ka sa mga pinagsasabi mo! Baby ang kausap mo wala pang muwang!"natawa ito sa outburst ko. "okay okay!"tinaas pa nito ang dalawang kamay. Niyakap na ako nito at iginiya pahiga. "sleep na tayo, bawal mapuyat.."bulong nito sa akin. Umirap lang ako dito pero sumunod naman ako. Mahirap na baka ano nanamang maisipan nito at pati kama dito ay masira din. Nakatulog ako ng payapa sa tabi at yakap ni Reed. Nang magising ako ay wala na si Reed. Nakita ko nalang na may letter sa side table kaya kinuha ko iyon at binasa. "I need to go early for not attending the meeting last night, eat on time and rest, I love you two." Napangiti ako sa nabasa. Bumangon ako at nag inat inat dahil medyo masakit ang katawan ko sa nangyari kagabi. Kumain lang ako at naligo tapos ay naisipan kong dalawin ang magulang ko. Habang nasa sementeryo ay nakangiti kong dinalaw sila mom and dad. Nilapag ko ang bulaklak sa puntod nila at naupo. "mom dad, sana masaya na kayo dyan, don't worry about me po masaya ako ngayon, masaya kami ni baby, yes mom and dad I'm pregnant, sana po ay gabayan niyo kami, I missed you both so much."naiiyak na sambit ko. "I will never get over to the both of you, I will never forget you two, you were both amazing and the most loving parents in the world, I love you mom and dad.." Nang matapos ako doon ay umuwi rin ako agad, nakatanggap ako ng text galing kay Reed na may motorcross daw sila at gagabihin. Hinayaan ko na at alam ko na naging busy ito sa akin ng mga nakaraang araw. Nag asikaso nalang ako sa kasal namin sa bahay thru Internet nang sa gayon ay hindi ako mabored. Dumating na din ang kama na inorder namin mula sa office ni Steve sa hiya ko. Lalo at inaayos iyon ng mga katulong. Hindi ko napansin ang oras nagulat nalang ako ng mapatingin ako sa bintana ay madilim na. I checked the time 9pm. Wala pa rin si Reed. Bumaba na ako para kumain nang makarinig ako ng pagbukas ng gate. Kunot ang noo nito nang maabutan akong kakain palang. Tumingin ito sa relo nito sa palapulsuhan bago umiling. "late ka na kakain?"napangiwi ako ng makitang seryoso ang mukha nito. "sorry, tinapos ko kasi 'yung mga kailngan sa kasal, patapos na nga e, speech ko nalang ang kailangan.."masayang wika ko dito. He sighed bago lumapit sa akin at humalik sa noo ko. "sasabayan na kita kumain."ani nito. "ha? Magbihis ka muna.."sabi ko. "no, kung magbibihis pa ako ay mamaya ka pa kakain kaya kumain na tayo ngayon at mamaya na ako magbibihis."napanguso ako dito. Sandali lang naman 'yung pagbibihis diba. Pagkatapos namin kumain ay tsaka ito umakyat sa itaas. Nang bumaba ito at tumabi sa akin sa panunuod ng movie ay nakashower na din ito. "baby huwag ka nang magpuyat." "tapusin ko lang.."sagot ko. Napatili ako ng bigla akong buhatin nito. "Reed naman!"daing ko ng ibaba na ako nito sa kama. "matulog na tayo Leigh, hindi pwedeng nagpupuyat ka."paliwanag nito. Umismid ako sa sinabi nito. "hindi pwedeng mapuyat sa panunuod pero kapag nagsesex pwede."ingos ko. Nakita kong lalong ngasalubong ang kilay nito dahil sa sinabi ko. "it's not just s*x Leigh! It's my way of making you feel how much I love you." "how much you desire me you mean.."masungit na pagtatama ko dito. Hindi ito nagsalita at tinignan lang ako kaya ako din ang bumigay sa huli. "oo na!"irap na sabi ko bago nahiga at pumikit. Umiling ito sa inasta ko bago ako kinumutan. "I'm sorry okay.. Ano ba iyong pinapanood mo at ipapabili ko sa secretary ko bukas."nilingon ko ito dahil sa sinabi nito. "Demon Slayer." "what's that? Baka naman puro p*****n iyan--" "cute kaya si Nezuko.."putol ko dito. "who's that?"kunot ang noo nito at halatang hindi alam ang sinasabi ko at hindi kilala. "iyon yung kapatid ng bida na may demon blood--" "oh God Leigh! Baka maging kamukha ng pinapanood mo ang anak natin."daing nito sa akin. Napangisi ako. "edi maganda! Cute!"masayang bulalas ko. "tss, weird."komento nito. "anong weird doon? Ikaw ang weird dyan dahil hindi mo kilala si Nezuka!"lalong umiling ito sa sinabi ko. "sige, ipapabili ko ang Demon Slayer na iyan bukas na bukas din, now get some sleep.."hindi ko man aminin ay nakuntento ako sa sinabi nito. I know he doesn't have any idea about that anime I'm addicted with right now but still he is spoiling me. Nakatulog ako dahil sa paghimas nito sa buhok ko. Hinahagod ng kamay nito ang buhok ko hanggang sa makatulog ako. Sweet. Nagising ako ng madaling araw. I saw him beside me. Tulog habang nakayakap sa akin. I smiled. Sumiksik pa akong lalo dito bago muling pumikit. Ito talaga 'yung the best sa umaga. Iyong paggising ko ay siya agad ang nakikita ko at ganoon din siya. Nang magising akong muli ay nagbibihis na ito para pumasok. "pwede ba akong pumasok sa office o kaya ay dalawin kita sa office mo?"tumigil ito sa ginagawa at hinalikan ako sa buhok. "good morning baby, kapag wala akong meeting ay ipapasundo nalang kita, don't drive baka mapagod ka."he said. "grabe, hindi naman malayo ang opisina mo as if it's located on province."natawa ito sa sinabi ko. "ang aga mong magsungit.."pang aasar nito bago naupo sa tabi ko. "kapag wala akong meeting or hindi ako busy ipapasundo kita, tatawagan kita or itetext okay?"tumango nalang ako sa sinabi nito. O.A talaga. Kaya naman nang magtanghali at wala pa itong text ay ako na ang kusang nagdrive para puntahan ito. Sa office nito ay halata ang paroon at parito ng mga employees. Simangot na pumasok ako sa loob. Hindi ito nag angat ng ulo at patuloy sa pagpirma sa kung anong papers. "check if may meetings pa ako, I will call my wife to come over."ang busangot kong mukha ay napalitan ng ngisi sa narinig. Akala yata nito ay secretary niya ang pumasok. "wife ka dyan hindi pa tayo kasal noh!"napaangat ang tingin nito ng marinig ang sinabi ko. Bakas ang pagkagulat nito ng makita ako doon na nakatayo. Sa malalaking hakbang ay tinungo ako nito. "h-how?"Napangisi ako dito nang makita ang naguguluhang mukha nito. "nag drive ako at huwag kang magalit, namimiss na kita kaya hindi ko na nagawang maghintay sa text mo."ang seryosong mukha nito ay napalitan ng ngisi. "you misses me huh."sinandal ako nito sa pader. "Reed nasa office tayo.."paalala ko. "I know baby, that's why I'm so turn on." Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary nito pero nang makita kami ay agad na humingi ng sorry at tumalikod bago lumabas. Napatingin ako kay Reed nang tumawa ito ng malakas. "ikaw talaga!"kinurot ko ang tagiliran nito kaya napangiwi ito. "aray ko baby!"daing nito. "lokoloko ka kasi!"dahilan ko. Iginiya ako nito sa sofa at tumabi sa akin. "have you eaten?"nang hindi ako sumagot dito ay agad itong tumawag at umorder ng pagkain. Habang kumakain kami ay naiilang ako dahil nakatingin lang ito sa akin. "kumain ka kaya!"sabi ko dito sa pagkailang ko. "masaya ka ba Leigh? Do I make you happy?"natigilan ako sa tanong nito. What's with the sudden questions? "oo naman.."sagot ko habang ngumunguya. "Glad to hear that.."ngumiti na ito at kumain. Nabaliw nanaman. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD