CHAPTER 27

1701 Words
Nang magising ako ay mukha nila Steve at Wheng ang namulatan ko. "mabuti at gising ka na.."nasa tono ng boses ni Wheng ang galit. "paano niyo ako nahanap?"ngumisi si Wheng sa akin bago tinuro ang labas. Narinig ko ang sigawan sa labas at ang boses ni tito Charles. "nag aaway ang magkapatid dahil sa iyo, bakit Ali? Anong pumasok sa utak mo at sumama ka kay Alfy?"nailang ako sa tanong nito. Her ex. Napatingin ako kay Steve na tahimik lang na nakamasid sa akin. "galit na galit si Reed nang malaman na magkasama kayo ng kapatid niya, pero mas nagalit siya ng malamang lasing ka."hindi ako nagsalita o nagreact sa mga sinabi nila. "Ali, may problema ka alam ko, tell me--" "ayoko, hindi ba at minsan mo na akong ipinagkanulo kay Reed dahil kaibigan siya ng fiance mo?"kumunot ang noo nito sa inasta ko. "ano bang nangyayari sa iyo? Dahil ba buntis ka kaya ka nagkakaganyan?"halata na ang inis dito. "oo Wheng, dahil nabuntis niya ako, I hate it.. Nasusuka ako at nandidiri sa tuwing naaalala ko na siya ang ama ng anak ko!"hindi nakakibo si Wheng at Steve. Umiling si Steve sa akin bago bumaling sa gilid ko. Nilingon ko rin ang nasa gilid ko at doon ay nakita ko siya. Sa kabila ng alam ko na ginawa niya sa magulang ko ay nasaktan parin ko. Ang sakit at galit sa mukha nito ay kitang kita. Namumula ang mata nito, nakatiim ang bagang at nakakuyom ang kamao habang nakatingin sa akin. Huminga ito ng malalim bago tumango sa akin. "you hate me now."ang malamig na boses nito ang sumalubong sa akin. "Ali stop this.."bulong ni Wheng pero nakapagdesisyon na ako. "and I will hate you forever for making me bear your child."Napasinghap silang lahat. Ngumisi si Reed sa akin. "you really know how to break me."nakangisi ito pero galit ang mababasa sa mga mata nito. "I'm good at it."sagot ko. Hinila ni Wheng ang kamay ko para tumigil na ako pero hindi natinag ang titig ko kay Reed. I want him to feel how I'm disgusted with him. Pagak na tumawa ito sa akin. Tinuro ang tyan ko bago muling nagsalita. "I'm not even sure now if I'm the father.."nanliit ang mata nito. Alam ko ng gustong tumulo ng luha ko sa sinabi nito. I want to curse him and all pero pinigilan ko ang sarili ko. "seeing you here with my brother is another story, but hating me I guess is your hobby."umiling ito sa akin bago ako tinalikuran. "alis na kami.."napatingin nalang din ako kila Wheng nang lumabas na sila ni Steve. Nilingon ko si tito Charles. "whoever the father, apo ko parin iyan."tinapik nito si Onsoy na ngayon ko lang napansin na putok ang labi. "Onsoy.."bulong ko sa pangalan nito. Umiling ito sa akin bago ako nilapitan. "anong rason mo para hayaang mangyari ito? Ilang beses kong tinanggi sa harapan niya na may relasyon tayo, bakit hindi ka nagpaliwanag sa kanya?"nasa boses nito ang inis sa ginawa ko pero alam ko na pilit akong iniintindi nito. "gusto kong magalit Isay, kung hindi ko lang nakita kung gaano ka kamiserable kagabi ay baka iniwan na din kita." "I'm sorry.."nag umpisa na akong umiyak. "hush now.."niyakap ako nito para aluhin. Hindi muna kami umuwi, hinayaan ako ni Onsoy na doon muna manatili habang ito ay inaayos ang leave sa trabaho para pansamantalang masamahan ako. "aalamin ko kung totoo ang mga iyan.."sabi nito sa akin ng ikwento ko ang mga nalaman ko. "lahat ng mga paraan para malaman ko kung totoo nga ay involve ang pangalan niya Onsoy.."humahagulgol na tangis ko. "don't cry, makakasama kay baby.."paalala nito. Dalawang linggo ang lumipas bago ako umuwi sa mansion. Wala na ang gamit ni Reed sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon. Nang araw ding iyon ay may bisita ako. Si Ian. "I heard na hindi ka na ikakasal.."doon nito nakuha ang atensyon ko. "Reed's engagement to Charlotte Madrigal is on news last night."dagdag pa nito nang makita ang gulat sa mukha ko. A pain hammered me. "good for them."ani ko. "if it's because of the documents--" "don't worry Ian hindi ito dahil doon."tumayo na ako para makita nitong ayoko nang pag usapan pa ang mga bagay na ito. "sige aalis na ako."paalam nito na sinagot ko lang ng tango. Tumutulo ang luha ko habang paakyat ako ng hagdan. Inis na pinunasan ko iyon. Don't cry Alissandra. He's not worth it. Kaya naman nang pumutok ang balita na ikakasal na ito sa iba ay halos isubsob ko ang sarili ko sa trabaho. "Isay.."nag angat ako ng tingin ng makita ko si Onsoy na malungkot na nakatingin sa akin. Naagaw ng isang folder na hawak nito ang buong atensyon ko. Huminga ito ng malalim bago naglakad palapit sa akin. "here's the files sa SRL Company regarding South East, ito rin ang USB copy ng investigations."inabot nito sa akin ang lahat. Huminga itong muli ng malalim bago ako niyakap ng mahigpit. "I don't know how to say this or how will you take it but, I hope this will make you at ease."bulong nito sa akin. Palabas na ito kaya binaba ko ang mga binigay niya. "aalis ka na?"tanong ko. Ngumiti ito sa akin bago tumango. "may seminar ako sa Canada baka magbakasyon na rin ako doon."he said. "how long?"tanong ko kaagad. Siya nalang kasi ang natatakbuhan ko dahil kahit si Wheng ay galit sa akin. "a month?"hindi siguradong sagot nito. "come back soon.."pakiusap ko dito. He nod. "I will." Nang makauwi ako ay nagpahinga lang ako saglit bago ko naalalang tignan ang mga binigay ni Onsoy sa akin. Si Alfonso talaga. Natatawang sambit ko sa utak ko nang makita ko ang mga movies na nasa USB adik pa din ito sa anime kaya pati ako nahahawa. Nang iclick ko ang isang folder na may nakalagay na investigate ay nabura ang ngiti ko. Nandoon si Reed sa interrogation room at may lalaking nakaupo doon. Nilakasan ko ang volume sa laptop ko para marinig ko ang usapan. I know that guy. Guard siya dati sa office. "why did you have to kill innocent people? Hindi mo ba alam na sa dahilan mo ay may nawalan ng magulang?! You f*****g killer!"naitakip ko ang kamay ko sa bibig sa naririnig. He was mad. Galit na galit si Reed habang inaawat siya ng mga pulis doon dahil halos suntukin na nito ang lalaki. "masyadong mabait sa mayaman ang amo ko pero sa amin hindi kaya dapat lang sa kanila iyon!"napapikit ako at pinatay ang video. Natulala ako sa napanuod ko. Nanghihinang tinignan ko ang folder. Umiiyak na kinuha ko iyon. Nakapangalan sa SCI collab with SRL ang South East. Silang dalawa ang nasa bagong contact na nakuha ko. Nakita ko rin ang mga shares na binili ni Reed sa kompanya ko. Lahat ng iyon ay legal at maayos. Napaiyak akong lalo nang makita ang pirma ng magulang ko sa kontrata. "what is this? A-Ano yung pinakita sa akin ni Ian?"nauutal na tanong ko. Bakit may kopya si Reed ng strategies sa company ko regarding South East? For collab? Pero bakit ganito? Bakit hindi sinabi sa akin ni Ian ang mga ito?! Limitado ang binigay niya sa aking impormasyon! I dial Onsoy's phone pero hindi nito iyon sinasagot kaya kahit gabi na ay nagmaneho ako. I need to ask him. Sa bahay nila ako pumunta. Wala naman siguro dito si Reed kaya tumakbo ako papasok ng gate. Nagliwanag ang mukha ko ng nakita ko itong nagkakarga ng maleta nito. "Onsoy!" Nagulat ito nang makita ako, nakangiting tumakbo ako palapit dito. Malapit na akong makalapit dito nang mapansin ko na naroon sila. Ang daddy at mommy nila, si Reed kasama si Charlotte na nakakawit pa ang braso sa isat isa, at si Ian. Maging ito ay nagulat sa akin ng makita ako. "a-anong..?" Bago pa ako makapagtanong ay hinatak na ako ni Onsoy palayo sa kanila. "Isay.." "teka lang kakausapin ko si Ian, bakit nandito siya--" "listen to me Isay.."inalog ako nito kaya napatingin na ako dito. "alam ko na ngayon ay alam mo na ang totoo, my brother didn't killed your parents."he sighed. "Engr. Ramos lied."napatulala ako sa sinabi nito. "aalis ako, they send me there at alam ko na paraan nila iyon para maputol ang koneksyon mo sa pamilya pero Isay I want you to fight.."nangilid na ang luha ko ng mag sink in sa akin ang mga sinasabi nito. "fight for him, para sa anak niyo."napayuko ako sa mga sinabi nito. "is this your stepmom's doing?"nasasaktang tanong ko. Tumango ito. "babalik ako, babalikan kita at sana pagbalik ko ay masaya ka na kasama ang kapatid ko."umiling ako sa tinuran nito. "hindi ko 'to kayang mag isa.." "kaya mo, at hindi ka mag isa, may Samaniego kang kasama."sabay tingin nito sa tyan ko. Umiling iling lang ako dito kaya niyakap nalang ako nito ng mahigpit. "uuwi ako kaagad kapag naayos ko ang ginawa nilang problema sa Canada. Pangako."tumango ako dito. Hinatak na niya ako pabalik sa pamilya niya. Umiiyak parin ako nang sulyapan ko si Ian na umiiwas ng tingin sa akin. "I have to go, dad."paalam ni Onsoy. "ingat ka doon, ayusin mo ang nangyari hindi ko alam kung bakit nagriot sila doon."tumango si Onsoy sa ama bago bumaling sa akin. "Onsoy.."naiiyak na tawag ko dito. Ngumiti ito sa akin bago ginulo ang buhok ko na lagi nitong ginagawa noon. "see you pagbalik ko."wika nito. "balik ka agad ah.."usal ko. Narinig ko ang pagtikhim ni Reed kaya niyakap ko nalang si Onsoy. "natatakot ako.."bulong ko dito. Hinagod nito ang likod ko. "tatawagan kita lagi.."wika nito na alam kong narinig ng lahat. Sinabay na ako ni Onsoy paalis doon. Inihatid niya muna ako sa mansion bago siya umalis. Doon ko binuhos ang luha ko. Ang nakita kong senaryo, ang magkatabing si Reed at Charlotte pati si Ian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD