CHAPTER 30

1552 Words
Nakatingin lang ako kay Reed habang natutulog ito sa kama ko. I sighed. Lumambot agad ako dahil sa matamis na dila nito. Nakakatawa na ako itong pinapalayo ng nanay nito tapos itong anak naman ang lapit ng lapit sa akin. Umalis na ako doon at sa guestroom ako nagpasyang matulog. Kinabukasan nang magising ako ay hindi ko alam ang mararamdaman ko lalo na at nalaman ko mula sa katulong na maaga daw umalis si Reed. I know I should feel relieved dahil I don't need to put up with his kalandian anymore but there's a space in my heart na nanghinayang. Akala ko kasi totoo na ako padin ang gusto niya. Ganoon nga siguro yata, lasing kasi kaya kung ano lang masabi okay na. Pero hindi ko maitatanggi na umasa ako, na kahit paano kasama ako sa gusto niyang makuha uli, hindi ang baby ko lang. Sunday ngayon kaya naisipan ko nalang magsimba. Tutal naman ay maaga akong nagising. Pagkagaling ko sa simbahan ay dumiretso ako sa puntod nila mom and dad. Naaninag ko palang ang pangalan nila sa hindi kalayuan ay nag uumpisa nang mangilid ang luha ko. "sorry mom.. Kakasabi ko lang sa inyo nung nakaraan na masaya ako tapos nakikita niyo akong ganito ngayon.."sumisinghot na usal ko. Hinaplos ko ang pagkakaukit ng pangalan nila sa lapida. "miss na miss ko na kayong dalawa.. I wish you two are still here.."humihikbi na ako habang sinasabi iyon. Hinintay ko lang na matunaw ang kandilang sinindihan ko bago ako umuwi. Pag uwi ko sa bahay ay natigilan ako. Palabas palang ako ng sasakyan ko ay natanaw ko na ang babaeng kumikinang sa gintong damit at nakaitim na heels at sumbrero. Nang makita niya akong papalapit sa pinto ay naglakad na ito palapit sa akin. "anong maipaglilingkod ko sa inyo?"tanong ko. Napapikit ako ng ibato nito sa mukha ko ang mga pictures. Tinignan ko iyon na nagkalat sa lupa. I scoffed. "sorry ma'am, sinusubukan kong lumayo pero--" "are you saying na anak ko ang baliw na baliw sa iyo?"asik nito. Hindi ba? Eh ano pala? Ako ba? Ako ba itong humila sa anak niya papasok sa bahay ko kagabi? Ako ba ang nagsabi sa driver nito na dito siya ibaba? "with all due respect ayaw ko po ng gulo."ani ko. "then don't flirt with my son! Stay away from him!"pinagmasdan ko ang ina ng lalaking hanggang ngayon ay alam kong sinisigaw ng puso ko. To be honest I have no idea why this old hag here is so intense! Galit na galit ito at talagang sumugod pa dito. "I want that too, please tell that directly to your son, stay away from me."tinalikuran ko na ito at pumasok na ako sa loob. I made sure na nilock ko ang pinto. Aba! Mahirap na baka kung ano pang maisipang gawin ng matanda na 'yon. Hinilot ko ang noo ko at naupo sa sofa. Stress! Wala akong ibang ginawa sa bahay kung hindi ang manuod ng Demon Slayer habang kumakain ng balot. Sarap na sarap ako sa balot at rambutan. Lalo na kung isasawsaw sa suka! Heaven! To think na hate na hate ko ang balot at hindi ako mahilig sa rambutan noon. Hinimas ko ang tyan ko. "ikaw ba ang may gusto nito? Don't worry baby kakainin ko lahat iyan.."nakangiting wika ko habang nakayuko sa impis ko pang tyan. Napalingon ako sa katulong nang marinig ko ang boses nito na tila may pinipigilang pumasok. Napatayo ako ng nakita ko ang namumulang mukha ni Wheng at halatang naiiyak na ito sa galit. Bumaba ang tingin nito sa kamay ko na nakahawak sa tyan ko, maging ako ay nakatingin sa tyan niya na malaki na. "Wheng.."bulong ko dito. "how could you?! Inilihim mo sa akin lahat? Tapos ay nagtitiis ka dito acting like you're alone and sad?! What the hell Ali!?!"napatingala nalang ako sa mahabang bulalas nito. Hay Steve! Tinignan ko ito at nilapitan, inalalayan ko itong maupo sa tabi ko. "hey calm down.."anas ko. "how can I? Nang marinig ko iyon kay Lea ay halos isumpa ko ang sarili ko! Sinaktan pa kita at kung ano ano pa ang sinabi ko tapos--tapos p-pinsan ko pala--Ali..h-hindi ko alam! I'm so sorry!"niyakap ako nito ng mahigpit. So si Lea pala. Emosyonal kami pareho dahil buntis. Natawa ako ng lihim sa naisip. "ayos lang ako.."pag aalo ko. "ako dapat ang kakampi mo! Ako dapat ang kauna unahang nasa tabi mo.. Hindi ko alam Ali."humihikbing sabi nito sa akin. Inilayo ko ito sa akin. Ngumiti ako dito at pinunasan ko ang pisngi nito. "tama na, baka mapaanak ka ng wala sa oras, hindi kita kaya lalo at buntis din ako, gusto mo ba na dalawa tayong iire dito?"natawa na ito sa sinabi ko. "sorry bes.."bulong nito at niyakap ako uli. Humingi ako ng tubig sa katulong para kay Wheng. Sinamahan ako nito manuod ng anime habang nakatingin sa mga kinakain ko. "hindi ka naman kumakain ng balot ah.."komento nito. "gusto ng anak ko.."sagot ko. I heard her sigh kaya nilingon ko ito. "I hope Reed is here."she murmured. "he was, last night.."nanlaki ang mata nito sa narinig. "and?"excited na nag abang ito sa mga sasabihin ko pa. "lasing siya, natulog lang tapos maagang umalis, paggising ko nga wala na e."napasimangot si Wheng sa narinig. "isa pa iyang Reed na iyan! Masyadong uto uto sa nanay!"salubong ang kilay na saad ni Wheng. "si Onsoy ang kakampi ko sa kanila.."natahimik si Wheng sa sinabi ko. "he's sorry by the way.."tumango lang si Wheng sa akin ng sabihin ko iyon. "galit ka pa ba sa tao?"tanong ko. She sighed. "gusto kong magalit, but hearing from you how he protected you while I'm blinded by the truth ay naiibsan ang galit ko, I'm thankful na nandyan parin siya after all that happened ay kaibigan mo parin siya."ngumiti ako kay Wheng. "nagsisisi siya.."dagdag ko. Umiling si Wheng sa akin at pinigilan ako sa pagsasalita. "hayaan na natin iyon, matagal na panahon na iyon at ikakasal na ako heto nga at buntis pa, I don't want my baby hear something that isn't related to his father." "I get it."tumango ako dito. Nang medyo dumilim na ay nagpaalam na itong uuwi. Sinundo ito ni Steve at humingi ito ng tawad sa akin dahil nalaman ni Wheng ang dahilan kung bakit ako lumayo sa lahat ng gabing iyon at si Onsoy ang tinawagan ko. Nang makauwi na sila ay natahimik uli ang mansion. Napapapikit na ako sa antok kaya naisipan kong mahiga na muna sa sofa. Napabalikwas ako ng bangon ng hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nilingon ko ang paligid ko. Umakyat na ba ako? Lutang na nga yata ako kanina at hindi ko alam na nakaakyat pa ako dito sa room ko. Muli akong nahiga at nagkumot. Pumikit ako at muling bumalik sa pagtulog. Kinabukasan nang magising ako kumilos kaagad ako para pumasok sa trabaho. Monday ngayon kaya traffic. Mabuti nalang at hindi pa masydong traffic dahil medyo maaga pa naman ako. Nang magtraffic light ay napabaling ako sa katabi kong sasakyan. Hindi iyon tinted kaya nakikita ko ang loob. Ang pang umagang ngiti ko ay napalitan ng ngiwi ng makita kong naghahalikan ang magjowa habang naka stop ang traffic light. Ako na mismo ang umiwas ng tingin pero napabalik ako ng tingin ng makilala ko ang lalaki na kahalikan ng kung sinong babae. "S-Steve.." Napadiin ang apak ko sa acceleration ng mag go sign na. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Niloloko niya ang kaibigan ko?! Iniliko ko ang sasakyan at iniharang sa kanila, agad silang nagpreno dahil sa pagharang ko. Galit na bumaba ako ng sasakyan at kinatok sila. "what the hell is your problem?!"galit na bumaba din ng sasakyan si Steve este siya nga ba ito? Nanibago lang siguro ako sa accent nito. "you cheater!"asik ko. "woah lady! Don't accused me--" "who is she stephen?"nanlaki ang mata ko at bumaling na kay Stephen. "I don't even know this girl Maha.."lumapit ito sa babae pero nag walk out na ito. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng bumaling sa akin si Stephen daw. "now what? Sino ka ba? Kakauwi ko lang dito I just wanna have some fun! You ruined it!"napaatras ako. Steve is gentle, bakit parang tigreng nananakmal ang isang ito? "I'm sorry akala ko kasi ikaw iyong kakilala ko.."hinging paumanhin ko. Nagsalubong ang kilay nito, pumalatak ito bago ngumisi. "you know my twin?"hindi ako nakasagot dito. Twin? Kilala ko ba? "si Steven? Ikakasal siya kaya umuwi ako dito sa Pilipinas."dagdag pa nito. Nahihiyang tumango ako dito. "kaibigan ko iyong pakakasalan niya, sorry talaga akala ko kasi ikaw siya tapos--" "that's a very dangerous move lady, paano kung hindi ko naapakan ang brake?"napayuko ako uli sa sinabi nito. Oo nga noh? Naku baby sorry hindi nag iisip si mommy! He sighed kaya nag angat na ako ng tingin. "nice meeting you, kita nalang tayo sa kasal."paalam nito bago sumakay sa sasakyan nito. Napatakbo ako sa sasakyan ko dahil nakaharang iyon sa daanan ng kotse nito. Nag busina lang ito bago nauna nang umalis. Gosh! Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD